Muling binasag ng PSG.LGD ang record ng fastest game sa TI10 matapos balasubasin ang Elephant sa kanilang paghaharap sa group stage.

16 minuto at 56 segundo lang kasi ang kinailangan nina Wang “Ame” Chunyu para pasukuin ang koponan ni Lu “Somnus丶M” Yao sa ikalawang mapa ng serye para makumpleto ang kanilang tagumpay sa serye.

PSG.LGD hinigitan ang sariling record sa fastest game ng TI10

PSG.LGD hinigitan ang sariling record sa fastest game ng TI10
Credit: WePlay AniMajor

Mariing pinatunayan ng PSG.LGD na isa sila sa mga koponang nangunguna sa karera ng TI10 matapos balugbugin ang mga dating miyembro ng kanilang koponan sa Group B.

Sinelyo ni Ame ang panalo sa unang mapa ng serye matapos punitin ang mga kalabang hero gamit ang kanyang Morphling. Sa isang Waveform na may auto-attack, habang naka-Replicate bilang Dark Willow na naka-Shadow Realm, nagtala ng 1,000 damage kada hit ang superstar carry.

Ame Show ulit ang natunghayan sa ikalawang mapa ng serye, pero bilang Phantom Assassin naman. Sa tulong ng Magnus ni Cheng “NothingToSay” Jin Xiang, hindi na kinailangan ng kanilang carry ng maraming items para makasama sa bakbakan.

Credit: Valve

Bagamat sinubukang pumalag ng Elephant, isang palpak na attempt para pitasin si NothingToSay ang nagbaon sa kanila sa hukay. Nauwi lang kasi ito sa four-for-one exchance, dahilan para tawagin ang GG.

Binasag ng 16 minutong tagumpay ng PSG.LGD ang fastest game ng TI10 record na nauna nilang nakamit kontra Vici Gaming na tumagal ng 18 minuto at walong segundo.

Credit: Wykrhm Reddy

Bukod sa pagtala ng record sa fastest game ng TI10, sinelyo rin ng kanilang panalo ang top seed sa Group B nang may 13-2 win-loss record. Aabante sila sa upper bracket ng main event, na magsisimula sa ika-12 ng Oktubre.

Gutom ka pa ba sa Dota 2 action? Panoorin ang Heroes of the Game documentary hatid ng foodpanda.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: TI10 Group Stage: Riki ni Raven umarangkada kontra Secret, Fnatic sinelyo ang playoff spot