Bago magsimula ang The International 10, ang kapitan ng Team Secret na si Clement “Puppey” Ivanov ang tanging player na naka-attend sa bawat Dota 2 world championship simula noong 2011.

Pero matapos tuldukan ng kanyang koponan ang kanilang kampanya sa nagdaang turneo sa ikatlong puwesto, may bagong kasaysayang nagawa ang tanyag na manlalaro.

Ito ang maging ang tanging player sa ngayon na makapagtapos sa lahat ng place sa TI simula sa first place hanggang sa 13th-16th place.

Ang performance ng Team Secret noong TI10 ay ang best TI placing ni Puppey sa loob ng 8 taon

Placing ni Puppey ng Team Secret sa lahat ng TI

Interesting ang takbo ng TI placements ni Puppey. Matapos magwagi noong TI1, nagsimulang bumaba ang mga resulta niya sa mga sumunod na edisyon ng turneo.

Back-to-back second placer siya noong TI2 at TI3. Nag 7th-8th place din siya noong TI4 at TI5. Nangyari ang pinakamababa niyang placing noong TI6, matapos um-exit sa 13th-16th place.

Pero simula noong 2016, pataas na muli ang placing niya sa TI10. Nag-9th-12th place siya noong TI7, 5th-6th place noong TI8, 4th noong TI9, at noong nakaraang TI10, tinapos nila ang kanilang akmpanya sa ikatlong puwesto, ang kasalukuyang best placement ng Team Secret.

Napansin din ni Puppey ang trend na ‘to. Kaya noong exit interview niya sa TI10, nabanggit niyang sa magse-second sila sa susunod na TI, bago iselyo muli ang kampeonato.

BASAHIN: Tatlong beses na mas malaki ang TI prize pool earnings ng China kumpara sa Russia

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.