Maaari nang mag-surrender ang mga nasa five-man party sa Dota 2 matapos ilatag ng Valve ang pinakahuling update sa laro.

Bilang isang tipo ng laro na mas masaya kasama ang mga kaibigan, nag-implementa ng “experimental changes” ang Valve para mapabuti ang kalidad ng mga laban para sa mga naglalaro nang grupo-grupo.

Ang bagong updates para sa mga five-man party sa Dota 2

Matagal nang inuudyukan ng komunidad na lagyan ng surrender feature ang laro, gaya ng sa League of Legends. Ngayon, tinupad na ito sa wakas ng game developer, bagamat para lang sa mga naka-five-man party.

Katulad kung paano ginagawa sa pro games, kailangan lang mag-all chat ng “gg” ang susukong koponan para lumabas ang kapirasong 10-second timer na magbibigay sa kanila ng opsyon na kanselahin ang desisyon bago maubos ang oras. Maaari nga lang ito gawin paglipas ng 30 minuto ng laban.

Pwede na mag-surrender ang five-man party sa Dota 2 ngayon
Credit: Valve

Maganda man ang naging rekasyon ng komunidad sa bagong feature, tila hindi naman ganun ka kainit ang pagtanggap nila sa ibang parte ng update.

Tinanggal na kasi ang restriction na dalawang five-man party lang ang maaaring makapagharap sa mga ranked game. Ibig sabihin, pwede nang maglaban ang isang kumpletong party at isang koponan na binubuo ng duo at trio.

In-adjust din daw ng Valve ang matchmaking para mas mapadali ang pag-find match ng mga five-man party.

Mababasa ang kumpletong update dito.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Baka isang SEA team lang daw ang maka-directly qualify sa The International 11