Selyado na ang isang slot para sa Ragdoll sa Division II ng Dota Pro Circuit Southeast Asia 2021-2022 Tour 1 matapos pangibabawan ang unang Open Qualifier.

Sa 66 na koponang nakipagsapalaran para makapasok sa bagong DPC season, marahil ay nakagugulat ang pag-usbong ng Ragdoll. Nagawa kasi nilang talunin ang bagong tatag na Talon Esports, na pinangunguhan ni Tal “Fly” Aizik, sa semifinals bago walisin ang Kobold ng Mongolia para makuha ang nasabing slot.

Sino-sino nga ba ang Ragdoll?

Pinangunughan ang Ragdoll ng dalawang Malaysian veteran na sina Cheng “vtFαded” Jia Hao at Lai “AhJit” Jay Son. Nabuo ang koponan bago magsimula ang The International 2021, kung kailan kaliwa’t-kanan ang mga online tournaments.

Isa sa mga una nilang kampanya ang QH Sports Dota Series 1, isang invitational tournament kung saan tampok ang mga pausbong na koponan mula Southeast Asia at China. Hinirang silang kampeon matapos ang halos perpektong run sa playoffs nito.

Pasok ang Ragdoll sa Division II ng DPC SEA Tour I
Credit: Oceanic Esports

Nitong Setyembre, muling nakasungkit ng kampeonato ang Ragdoll matapos pagtagumpayan ang Perfect Land Gaming Season 2, isa muling invitational tournament. Dito kinumpleto na nila ang perpektong run, matapos walisin ang lahat ng kanilang nakaharap mula quarterfinal hanggang grand final.

Ang parehong roster na ito na kumuha ng dalawang championship title sa loob lang maiksing panahon ang babandera sa unang Tour ng DPC SEA.

Dota 2 roster ng Ragdoll sa Division II ng DPC SEA Tour 1

  • Cheng “vtFaded” Jia Hao
  • Lai “Ahjit” Jay Son
  • Wang “GY” Kok Guan
  • Zhou “James” Yi Fu
  • Wang “MenYouPing” Liang

Nakatakdang sumalang ang Ragdoll sa Division II ng DPC SEA Tour 1 simula ika-29 ng Nobyembre.

BASAHIN: Balik pro Dota 2 si Raging Potato bilang offlaner ng Team SMG | ONE Esports Philippines