Naka-uwi na ang isa sa mga beteranong Russian players.

Inanunsyo ng Virtus.pro ang kanilang bagong Dota 2 roster na kinatatampukan ni Roman “RAMZES666” Kushranev, na naunang umalis sa organisasyon noong 2019.

Naunang nakilala ang manlalaro sa Team Empire, pero sa ilalim ng Virtus.pro siya nakilala bilang isa sa pinakamahuhusay na carry sa buong mundo.

Noong 2016 unang naglaro para sa koponan ang ngayong 23-taong-gulang na pro. Sa pangunguna ni Alexey “Solo” Berezin, nakalikom ng limang Major championship title sa loob ng dalawang taon ang Virtus.pro., bagamat nabigo silang makapagtala ng makabuluhang resulta sa The International.

Kalaunan, nalusaw ang roster dahil sa internal conflicts. Pero ngayon, muling nagbabalik si RAMZES bagong Dota 2 roster ng Virtus.pro kasama ang mga batang CIS players.

Steady pa rin ang puwesto ng koponan sa Division I ng Dota Pro Circuit Eastern Europe, bagamat wala pa rin silang naseselyong kampeonato.

RAMZES palalakasin ang Virtus.pro para sa DPC 2021/2022 EEU Division 1 Tour 3

RAMZES bumalik sa Virtus.pro matapos ang tatlong taon
CreCredit: Valve
  • (1) Roman “RAMZES” Kushnarev
  • (2) Danil “gpk” Skutin
  • (3) Dmitry “DM” Dorokhin
  • (4) Daniyal “yamich” Lazebnyy
  • (5) Egor “Xakoda” Lipartiia

Pinalitan ni RAMZES si Ivan “Pure” Moskalenko, na nadawit sa kontrobersiya matapos mag-drawing ng pro-Russian invasion symbol sa isang opisyal na laban.

Sa tulong ng beteranong manlalaro, inaasahan ang pagbabalik sa tuktok ng Russian esports organization, lalo na’t karehiyon nila ang kasalukuyang may hawak ng Aegis of Champions na Team Spirit.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Team Secret kinuha si 12K MMR carry Crystallis para sa DPC Tour 3