Nagtrabaho nang matindi si Jorien “Sheever” van der Heijden para makarating sa tuktok at itaguyod ang kanyang sarili bilang isa sa pinakasikat na host sa professional Dota 2 scene—kahit pa nakikipaglalaban din siya sa sakit na cancer.

Kapag hindi siya busy sa pag-host ng isang pro tournament, maaari niyo siyang makita sa kanyang Twitch channel kung saan ang entertainment ay hindi humihinto.

Sheever
Credit: Valve

Panoorin ang aming ONE Esports interview kasama ang Dota 2 host na si Sheever

Sa interview na ito, kinausap namin si Sheever patungkol sa kanyang paglipad patungo sa pagiging isa sa pinakakilalang mukha sa larangan ng pro Dota 2.

Naibahagi niya rin kung bakit hindi siya sumuko sa kanyang matinding laban kontra sa sakit na cancer at kung paano siya naging mas mahusay na host dahil sa pagsubok na ito.



Para sa Dota 2 news, guides at highlights, maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa akda ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.