Si Jorien “Sheever” van der Heijden ay isa sa mga English hosts para sa pinakamalaking tournament ng Dota 2, ang The International 10 (TI10).

Si Sheever ay bahagi ng mundo ng Dota 2 esports nang halos isang dekada na, at isa sa mga kilalang mukha sa industriya.

Pagkatapos ng match sa pagitan ng Vici Gaming at T1, nagpoahayag ng mensahe si Sheever para sa mga fans ng Dota 2 at esports.

Hinihikayat ni Sheever ang mga fans na sumuporta pa rin kahit na eliminated na ang T1

Dota2 Kuku T1 TI10 Main Stage Playoffs
Credit: Valve

Sa kahit anong sport o paligsahan, ang mga players at teams ay may mga fans na nagmamahal at sumusuporta sa kanila sa maraming dahilan. Maaaring sumusuporta sila dahil sa kakaibang playstyle, o dahil parehas sila ng pinanggalingan, o dahil sa pagiging makabayan.

Kahit ano pa man ang sport, hindi maiiwasan na makaranas ng talo ang isang team. Ang tanging paraan lang para hindi sila matalo ay kung hindi sila maglalaro.

Ngunit minsan, nawawala sa lugar ang suportang ipinapakita ng mga fans lalo na kung ang sinusuportahan nilang team ay natatalo.

Para sa mga fans na ito, may mensahe si Sheever, “I’m here to tell that when your team is not doing well they also need your support. I think it’s disappointing to see people just abandon ship when something goes wrong.”

Idinagdag pa ni Sheever na mas kailangan ng team ang suporta sa panahon na nahihirapan at natatalo sila, “The best support is when things get tough, and things get tough at TI.”

Natapos ang TI10 noong October 17.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.