Ipinakilala na ng Quincy Crew ang roster nila para sa susunod na season ng Dota Pro Circuit at tampok dito si Remus “ponlo” Goh Zhi Xian.

Matapos ang kampanya ng koponan sa The International 10, na na-uwi sa 9th-12th place, namaalam sina Rodrigo “Lelis” Santos, Arif “MSS” Anwar, at Avery “SVG” Silverman sa koponan para mapalitan ng mga bagong miyembro.

Singaporean player na si ponlo kinuha ng Quincy Crew
Credit: Valve

Dota 2 roster ng Quincy Crew para sa 2021-2022 DPC

  • (1) Yawar “YawaR” Hassan
  • (2) Quinn “Quinn” Callahan
  • (3) Maurice “KheZu” Gutmann
  • (4) Milan “MiLAN” Kozomara
  • (5) Remus “ponlo” Goh Zhi Xian

Ang Singaporean player na si ponlo

Kilala ang Singaporean player na si ponlo bilang isa sa mga up-and-coming talents ng rehiyon. Consistent ang kanyang placing sa MMR leaderboard ng Southeast Asia at naka-abot din siya sa 10,000 MMR nitong Oktubre.

Bago kunin ng Quincy Crew, huling naglaro si ponlo sa Team D, kasama ang ilang prospect sa rehiyon at ang beteranong si Lee “kYxY” Kong Yang. Isa sa mga sinalihan nilang turneo ay ang QH Sports Dota Series 1, kung saan nagtapos sila sa ikatlong puwesto.

Isa rin ang Singaporean player na si ponlo sa bagong kaso ng Dota 2 talent mula SEA na maglalaro para sa NA. Ilan sa mga player na ganito ang sitwasyon ay ang Pinoy na si Abed “ABED” Yusop at Singaporean na si Daryl Koh “iceiceice” Pei Xiang na parehong naglalaro para sa Evil Geniuses.


Samantala, nagpabatid din na Quincy Crew na bukas ang organisasyon para sa oportunidad ng sponsorship, endorsement, at org partnerships.

Makikita ang announcement ng organisasyon dito.

BASAHIN: Resolut1on pahinga muna sa competitive Dota