Tuluyan nang naghiwalay ng landas ang Talon Esports at ang kasalukuyang roster nito matapos ang The International 2023 — bagaman malamang na mananatili pa rin ang mga players at ang organisasyon sa competitive Dota 2.

Kinumpirma ng Talon na ang kanilang player roster at ang organisasyon ay nagkasundong maghiwalay upang magbigay-daan sa iba pang mga oportunidad, ayon sa kanilang pahayag kamakailan.

“Please continue supporting Talon Dota as we look forward to a new era, and stay tuned for updates,” sabi ng Talon sa kanilang post.



Talon Esports Dota 2 roster para sa TI12

Talon Esports Jabz at the Berlin Major
Credit: Talon Esports
  • Nuengnara “23savage” Teeramahanon
  • Rafli “Mikoto” Rahman
  • Anucha “Jabz” Jirawong
  • Worawit “Q” Mekchai
  • Chan “Oli” Chon Kien
  • Lee “SunBhie” Jeong-jae (coach)

Ang Hong Kong esports organization ay naging isang napakatibay na puwersa sa Southeast Asian Dota mula nang pumasok ito sa larangan noong 2021.

Kasama ang kanilang kasalukuyang roster, naitatag ng Talon ang kanilang sarili bilang pinakamahusay na koponan sa SEA ngayong season, na may mga top-three finish sa mga internasyonal na kompetisyon tulad ng Riyadh Masters 2023 at ang Lima Major.

Nagsimula ang Talon sa TI12 na may mataas na pag-asa, kasama na ang mahalagang tagumpay laban sa mga eventual finalists na Gaimin Gladiators na nagdala sa kanila sa upper bracket. Ngunit ang sunod-sunod na pagkatalo sa Team Liquid at BetBoom Team ay nangangahulugan ng ng kanilang pagtatapos sa torneo na ika-siyam na puwesto.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Sino nga ba ang matatawag na Dota 2 GOAT Team?