Salamat sa kanyang popularidad dala ng The International 10, mapapansin niyong dumalas ang paggamit ng Magnus sa pub games. Sa ngayon, pangatlo na siya sa most picked hero sa Dota 2, sa likod lamang ng pub stars na sila Pudge at Lion.
At ngayong sikat na sikat si Magnus, mahalaga na malaman ng mga player ang ilan sa counters para dito kung gusto nilang umangat sa MMR ladder.
Nangangailangan si Magnus ng mainam na mechanical skill at positioning para maging isang mapanganib na hero. Pero hindi nito mapipigilan ang karamihan na subukan maging susunod na Collapse.
Mabuti na lamang, kahit na naglalaro ka pa laban sa isang mahusay na Magnus player, kayang-kaya mo siyang mapigilan. Narito ang tatlong best Magnus counters na maaari mong gamitin sa Dota 2 patch 7.30d.
Best Magnus counters sa Dota 2 patch 7.30d
Wraith King

Sa carry role, walang ibang mas mabisang Magnus counter kaysa kay Wraith King. Ang nagpapanalo sa kanya sa matchup na ‘to ay ang kanyang ultimate (Reincarnation) at Skeleton summons.
Disente ang laning stage ng isang Wraith King kontra sa Magnus. Pinapataas ni Magnus ang kanyang attack damage gamit ang Empower para makasiguro ng last hits at denies. Hindi ito problema para sa Wraith King salamat sa kanyang Mortal Strike na nagbibigay ng garantisadong critical hit. Dahil dito nakaka-farm siya kahit pa laban sa mga kalaban na may mataas na damage.
Kalaunan ay talagang nakakatakot na ang Wraith King para sa isang Magnus. Ang pinaka-trabaho ng isang Magnus ay ihiwalay ang isa o ilan sa mga kalaban mula sa kanyang koponan. Tatargetin niya ang nasa frontline at ii-Skewer ito papunta sa kanyang mga kakampi.
Dahil sa kanyang Reincarnation, ‘di takot ang Wraith King na ma-Skewer papalayo mula sa kanyang mga kakampi. Natural na mahirap patumbahin si WK kaya naman ‘di kaaya-aya na siya ang unang target. Ang dalawang buhay mula sa Reincarnation ay nangangahulugan na kailangan ng Magnus at ng kanyang koponan na gumamit ng napakaraming resources para pabagsakin ang hari.
Ang Vampiric Spirit naman ay nakakapag-summon ng skeletons para atakehin ang structures. Kayang ipadala ni Wraith King ang kanyang minions para kumuha ng objectives at dahil dito ligtas ang kanyang mga kakampi mula kay Magnus.
Talaga namang isa si Wraith King sa best Magnus counters. Pinupwersa niya na gamitin ng Magnus ang Skewer sa kanya pero isa siya sa mga pinakapangit na targetin nito. Kaya naman ‘di kataka-taka na meron siyang 58% win rate kontra kay Magnus.
Silencer

Pagdating naman sa support role, si Silencer ay isa sa best Magnus counters salamat sa kanyang mga silence, lane prowess at pagiging mailap.
Kilala si Silencer sa kanyang kakayanan na mag-dominate sa lane. Tinutulungan siya ng kanyang Glaives of Wisdom sa pangha-harass kay Magnus at puwersahin siyang bumili ng maraming regeneration items o kaya palayasin siya sa lane.
Mas lalo niyang pinapalakas ang kanyang lane presence gamit ang Arcane Curse at Last Word. Kaya niyang patumbahin ang isang Magnus sa tulong ng carry sa laning stage.
Napakagandang spell ang Arcane Curse kontra sa Magnus. Madaling siyang hulihin sa AoE nito dahil sa malayong cast range. ‘Di makaka-blink si Magnus kapag tinamaan siya ng Arcane Curse. Mahihirapan din siya lumakad papasok para epektibong magamit ang Reverse Polarity dahil sa slow nito.
Ang ultimate ni Silencer na Global Silence ang talagang dahilan kaya siya ang pinakamabisang position-5 na Magnus counter. Kapag nag-blink in si Magnus at ini-Skewer ang isa papunta sa kanyang koponan, marami ang nabibigay ni Silencer na oras para makaresponde ang kanyang koponan gamit ang Global Silence.
Dahil ang Global Silence ay… malamang… isang global silence, pwedeng pumosisyon si Silencer malayo mula sa kanyang koponan para masigurong magamit niya ito ‘pag kinailangan. Pwedeng bumili si Magnus ng items para matanggal ang silence pero ang mga item na ito ay bibilhin niya kalaunan pa o kaya naman made-delay ang core items.
Ang mahusay na Silencer ay kayang sirain ang laro ng Magnus sa lahat ng stages ng laro. Mahirap siyang katapat sa lane, mataas rin ang damage sa team fights at pinawawalang-bisa ang abilidad ni Magnus na makakuha ng pickoffs.
Venomancer

Isa rin sa best Magnus counters si Venomancer dahil sa vision na kaya niyang ibigay para kanyang koponan kasama pa ang long-duration damage over time spells na pinipigilan si Magnus na malayang makagalaw sa mga team fight.
Mabisang pangontra si Venomancer kay Magnus dahil sa kanyang Plague Wards. Nagagamit niya ito pang-scout sa mga puno o kaya naman pang-check sa high ground. Inaatake din ng wards ang mga kalaban gamit ang physical damage na nakaka-disable ng Blink Dagger.
Nakakatulong din ang Plague Wards para makabasag si Venomancer ng buildings o kaya naman dumepensa sa barracks nang hindi niya nilalagay ang kanyang sarili o mga kakampi sa alanganin. Dahil umaasa si Magnus na paghiwalayin ang mga kalaban, ang mga Plague Wards ay isang bangungot para sa kanya.
Ang iba pa niyang spells na Venomous Gale at Poison Nova ay tumatagal nang napakatagal kaya pinapawalang-bisa nito ang Blink Dagger ‘pag tinamaan ang may hawak nito. Binibigyan din siya ng mga ‘to ng mataas na killing potential, lalo na kontra sa isang Magnus na malamang ay matatamaan nito sa mga clash.
‘Di madalas na mag-lane ang Venomancer laban sa Magnus pero ‘pag nangyari ‘to, talaga namang pabor sa Venomancer ang tapatan. Ang isang ranged hero na merong napakaraming slows ay talaga namang isang bangungot sa Dota 2.
Hango ito sa orihinal na artikulo ni Ahmad “Otomo” Alazawi ng ONE Esports.
Gusto mo pa ba ng Dota 2 content? Panoorin mo ‘tong Heroes of the Game documentary hatid ng foodpanda.