Dalawang salita lang ang mensahe ni Clement “Puppey” Ivanov sa OG matapos nila itong sipain sa lower bracket ng The International 10 Main Event:

“Stay down.”

Winalis kasi ng koponang pinangungunahan ng all-time TI attendee ang back-to-back defending champions sa kauna-unahang paghaharap nila sa entablado ng Dota 2 world championship.

ES + Morphling Combo ng Team Secret, pinundi ang offlane Io strategy ng OG

Team Secret sinipa ang OG sa lower bracket ng TI10 Main Event
Credit: Valve

Bagamat nilimot na ng panahon at sinubok ng sandamakmak na nerf, sinandalan pa rin ng Team Secret ang Earthshaker at Morphling combo para kontrahin ang makabagong offlane Io na inilabas ng OG sa kauna-unahang pagkakataon noong TI10 Group Stage.

Walang koponan ang nakakuha ng malaking kalamangan sa unang 30 minuto ng bakbakan. May pangilan-ngilan lang na team fight kung saan nagwawagi ang OG, kabilang na ang isang ‘to kung saan naka-Ultra Kill ang Ursa ni Syed “SumaiL” Hassan.

Pero ito na ang huling pagkakataon na lumampas sa apat na heroes ang napitas ng OG sa isang team fight. Nag-online na kasi ang Morphling ni Lasse Aukusti “MATUMBAMAN” Urpalainen, na kargado ng Replicated na Earthshaker ni Ludwig “zai” Wåhlberg, kaya’t madali na lang napipitas ang Io ni Sébastien “Ceb” Debs sa gera.

Sinuko ng OG ang unang mapa ng serye matapos ang 40 minuto. Nag-ambag ng 20 sa kabuuang 51 kills ng Team Secret ang Ember Spirit ni Michał “Nisha” Jankowski. Tumikada naman ng 33 assists ang kapitan ng koponan gamit ang Ancient Apparition.

Tinker ni Nisha, Team Secret sinipa ang OG sa lower bracket

Team Secret sinipa ang OG sa lower bracket ng TI10 Main Event
Credit: Valve

Parehong mataas na lebel ng performance ang pinamalas ng 21-taong-gulang na midlaner ng Team Secret sa ikalawang mapa ng best-of-three.

Hindi na pinaporma ng Tinker nito ang katapat na Hoodwink ni Topias Miikka “Topson” Taavitsainen para mabigyan ang kangyang koponan ng kompiyansa na makipagbakbakan sa early game.

‘Di katulad ng naunang mapa, halos 28 minuto lang ang kinailangan ng Team Secret para tapusin ang kanilang kalaban. Hindi na nila binitawan ang naipon nilang kalamangang naipon noong early game matapos ang kaliwa’t-kanang team fights.

Muling nagsanib-puwersa ang one-two punch ng Team Secret para magtala ng 28 sa 42 kabuaang kills ng kanilang koponan. Nag-tie naman ang Windranger ni Yazied “YapzOr” Jaradat at Magnus ni zai sa game-high 28 assists.


Dahil sa kanilang tagumpay, mamamalagi na sa kauna-unahang pagkatataon sa loob ng apat na taon ang defending TI champions. Selyado na rin para sa Team Secret ang 5th-6th place finish kasabay ang USD$1,400,600 o PHP₱72 milyon na premyo.

Mapapanood ang mga laban sa opisyal na Filipino broadcast ng TI10 hatid ng LuponWXC sa kanilang TwitchYouTube at Facebook platforms. Sundan ang mga kaganapan sa turneo sa pamamagitan ng pag-follow sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.


Gutom ka pa ba sa Dota 2 action? Panoorin ang koponan sa Heroes of the Game documentary hatid ng foodpanda.