Maaaring magkaroon ang European Dota 2 powerhouses na Team Secret at Virtus.pro ng bagong roster sa nalalapit na panahon.

Ang report na ito ay nagmula sa Russian esports content website na escorenews, na tinukoy si Ukrainian Dota 2 veteran Andrii “ALWAYSWANNAFLY” Bondarenko bilang source.


Tinitignan ng Team Secret ang posibilidad na palitan si SumaiL ng mas batang player

Credit: OG

Napapabalitang nais kuhanin ng Team Secret ang 20-year-old standout ng Entity Gaming na si Arets “Crystallis” Remco para maging bagong hard carry ng koponan. Ang Dutch pro ang isa sa highest-ranked players sa buong mundo at hawak ang top spot sa European rankings sa kasalukuyan.

Ayon din sa ulat ng cyber.sports.ru, papalitan ni Crystallis si Syed Sumail “SumaiL” Hassan.

Underperforming ang Team Secret kamakailan at sa katunayan ay hindi sila nakakuha ng top four finish sa unang dalawang Tour ng Dota Pro Circuit (DPC) Western Europe kaya naman ‘di sila nakapasok sa Regional Finals at sa darating na ESL One Stockholm Major.

Lumalabas na ang planong ito ay simula pala ng mas nakakabiglang roster changes. Ayon kay ALWAYSWANNAFLY, ang signing ni Crystallis ay parte ng malaking shuffle sa Western Europe.

Ang usap-usapang roster ng Team Secret para sa DPC Western Europe Tour 3

(1) Arets “Crystallis” Remco
(2) Michal “Nisha” Jankowski
(3) Daryl “iceiceice” Koh Pei Xiang
(4) Yazied “YapzOr” Jaradat
(5) Clement “Puppey” Ivanov


Nais ng Virtus.pro na ibalik ang kanilang glory days

Credit: GQ Russia

Samantala, ang Virtus.pro naman ay napapabalitang naghahanap ng beterano ulit at sa ngayon ay nasa radar nila ang kanilang dating player na si Roman “RAMZES” Kushnarev. Malaki ang ginampanan ng 23-year-old Russian pro sa dominance ng VP noong 2016 hanggang 2018 kung kailan nanalo sila ng ilang Major at tinaguyod ang sarili bilang isa sa pinakamalakas na koponan sa CIS region.

Papalitan umano ni RAMZES si 18-year-old carry Ivan “Pure” Moskalenko na tinanggal na sa koponan dahil sa kinasangkutang isyu noong DPC Eastern Europe playoffs.

Gumuhit si Pure ng “Z”–simbolo ng nagaganap na Russian invasion sa Ukraine–sa minimap sa isang official match ng Outsiders (pangalan ng VP sa torneo) kontra Mind Games na nagsanhi ng kanilang disqualification.

Ang usap-usapang roster ng Virtus.pro sa DPC Eastern Europe Tour 3

(1) Roman “RAMZES” Kushnarev
(2) Danil “gpk” Skutin
(3) Dmitry “DM” Dorokhin
(4) Daniyal “yamich” Lazebnyy
(5) Egor “Xakoda” Lipartiia

Para sa Dota 2 news, guides at highlights, maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa akda ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.