Mukhang handa na ang Team Spirit na depensahan ang kanilang Aegis of Champions matapos muling padapain ang PSG.LGD, 3-1, sa grand finals ng PGL Arlington Major 2022.

Ipinamalas ng LGD ang kanilang top form sa Game 1, ngunit itinala ng Spirit ang panalo sa sumunod na tatlong laro, kabilang ang malupit na comeback sa Game 2 at Game 4.

Nasaksihan sa finals ang ikalawang pagkikita ng dalawang koponan sa huling Dota 2 Major ng season. Nagtapat sila sa upper bracket final kung saan pinabagsak ng Chinese powerhouse team ang Easter European king, 2-0, pero ang Spirit pa rin ang nakakuha ng huling halakhak.

Nasunggaban ng The International 10 (TI10) champs ang kanilang kauna-unahang Dota 2 Major trophy at muling pinatumba ang kanilang mainit na karibal matapos din talunin ang Chinese rep na Team Aster, 2-1, sa lower bracekt final.


Team Spirit pinadapa ang PSG.LGD, pinangibabawan ang Arlington Major

Team Spirit kampeon sa PGL Arlington Major 2022
Credit: PGL

Pagkatapos manalo ng PSG.LGD sa unang laban, naging instant classic naman ang Game 2 dahil sa malupit na 75-minute comeback win ng Team Spirit.

Nakapag-ipon ang LGD ng mahigit 28K net worth advantage sa likod ng Naga Siren ni Wang “Ame” Chunyu pero nagawang manaig ng Spirit sa mga team fight pagpasok ng late game. Sa huling Roshan fight, inubos ng naka-Divine Rapier na Monkey King ni Ilya “Yatoro” Mulyarchuk ang miyembro ng LGD at pumukol ng rampage bilang panapos sa matinding bakbakan.



Muling nag-pick ng Naga Siren ang PSG.LGD para kay Ame sa Game 3, pero sa pagkakataong ito mas handa na ang Team Spirit at pinili nila ang Sven ni Yatoro bilang pang-counter.

Nagbigay sila Magomed “Collapse” Khalilov (Beastmaster), Alexander “TORONTOTOKYO” Khertek (Tiny) at Yaroslav “Miposhka” Naidenov ng kalamangan para sa Spirit sa mid-game at nahayaang makapag-farm nang ligtas si Yatoro. Dahil dito, maaga nilang napasuko ang LGD na itinawag ang GG sa 27-minute mark matapos silang ma-teamwipe sa kanilang jungle.



Isang kapana-panabik na comeback na naman ang ginawa ng Team Spirit sa Game 4. Liyamado ang PSG.LGD sa laning stage dahil nanakaw nila ang pinaghirapang Ancient stacks ni Misposha (Chen).

Pero ‘di nawala ang composure ng kasalukuyang TI champs pagdating sa mga mahahalagang clash. Makailang-ulit naagaw ni Miroslaw “Mira” Kolpakov (Rubick) ang Ghost Ship ultimate ni Cheng “NothingToSay” Jin Xiang (Kunkka) kaya naman nababaligtad nila sa kanilang pabor ang mga team fight.

Ilang saktong Berserker’s Call din ang nagawa ni Collapse (Axe) upang magulo ang team fighting ability ng LGD habang sila TORONTOTOKYO (Queen of Pain) at Yatoro naman ang bumitaw ng malalaking damage.



Bago tapusin ang laro, nag-iwan muna ng mainit na mensahe si TORONTOTOKYO: “HATERS WHERE ARE U NOW?”

Naibulsa ng Team Spirit ang top prize na US$200,000 (mahigit PHP11 milyon) habang ang PSG.LGD naman ay nakatanggap ng US$100,000 (mahigit PHP5.5 milyon) na premyo. Wala naman nang pakinabang ang nakuha nilang Dota Pro Circuit (DPC) points dahil pareho na silang may direct invite bago pa matapos ang Arlington Major.

Para sa Dota 2 news at guides, maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Base ito sa akda ni Dextern Tan Guan Hao ng ONE Esports.