Noong October 3, inanunsyo ng Valve na hindi magkakaroon ng live audience ang TI10 dahil sa health concerns, at lahat nang nakabili ng tickets ay bibigyan ng full refund.

Dahil na rin sa tumataas na bilang ng COVID-19 cases sa Romania, pati na rin ang kaligtasan ng mga players, staff, at talents, ito ang magiging unang Dota 2 International na walang live audience.

Reaksyon ng mga Dota 2 teams at talents sa balitang walang live audience sa TI10

Dota2 Valve The International 10 Dota2 Championship
Credit: Valve

Ginamit ng Quincy Crew, isa sa tatlong teams mula sa North America na nag-qualify sa DPC, ang pagkakataon na ito upang pasalamatan ang mga fans para sa kanilang suporta.

Quincy Crew tweet
Credit: Quincy Crew

Isa pang team mula sa North America, ang Team Undying, ay sinigurong alam ng mga fans ang mga pagbabagong ito para maisaayos nila ang kanilang mga plano.

Team Undying tweet
Credit: Team Undying

Isa sa mga pinakamalakas na teams na dadalo sa tournament, ang PSG.LGD, ay pinaalalahanan ang mga fans na mag-ingat at manatiling ligtas. Sa katunayan, sa sobrang ingat ng PSG.LGD sa kanilang mga players ay tumanggi silang gamitin ang airconditioning ng kanilang hotel.

PSG.LGD tweet
Credit: PSG.LGD

Ang TI10 host naman na si Ted “PyrionFlax” Forsyth, tinanggap ito bilang isang hamon upang makapagbigay ng isang magandang show para sa mga fans.

PyrionFlax tweet
Credit: PyrionFlax

Malungkot naman ang team owner ng Arkosh na si Jake “SirActionSlacks” Kanner sa pagkawala ng crowd para sa taong ito.

SirActionSlacks tweet
Credit: SirActionSlacks

Ang TI10 ay nagsimula noong October 7. Panoorin ang karagdagang epic Dota 2 action sa Heroes of the Game documentary, hatid ng Foodpanda.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.