Kinansela ng Valve ang ticket sales para sa The International 10 at hindi na rin ito tatanggap ng live audience dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Romania.

Nabuo ang desisyon para umano masiguro ang kaligtasan ng players, talent, at production staff na dadalo at bubuo sa TI10. Naunang payagan ang live audience sa venue ng turneo basta fully vaccinated.

“We wanted nothing more than to welcome fans live to the event, but we can no longer do so in a way that allows us to prioritize the health and well-being of both audience members and participants,” sulat ng Valve.

Sinigurado naman ng Valve na mare-refund ang TI10 tickets ng mga bumili.

Ilang TI10 players, nag-positive sa COVID-19

TI10 participant: Team Aster

Matapos ang naunang balita na nag-postive sa COVID-19 sina Du “Monet” Peng, Lin “Xxs” Jing, at Ye “Borax” Zhibiao, at dalawa pa sa kanilang mga staff, kinumpirma din ng co-founder ng Team Aster na si Xu “BurNIng” Zhilei na lahat ng 10 miyembro ng kanilang koponan ay nahawaan din ng virus.

Bukod sa mga ito, nagpositibo rin ang ilan sa miyembro ng Invictus Gaming na sina, Jin “flyfly” Zhiyi, Thiay “JT-” Jun Wen, coach na si Su “Super” Peng, at manager ng mga ito.

Sa isang email para sa Valve, ipinabatid ng iG ang mga paghihirap na kanilang pinagdadaanan para makapaghanda para sa Dota 2 world championship ng taon.

TI10 participant: Invictus Gaming


“As Dota 2 team members, players, and fans, we all have been looking forward to this TI as it will be the biggest Dota 2 event for the last two years. All our players have been vaccinated and very cautious the whole time. The reason we have bootcamp early is to ensure health and safety from public contact. Many might argue it was negligence cause our current situation, but we really have tried our best to protect ourselves,” sulat ng iG.

Sa oras ng paglathala, hindi pa tukoy kung nagbigay ng tugon ang Valve ukol sa naturang liham ng iG.


Credit: Valve

Samantala, nakatakda pa ring idaos ang TI10 simula ikapito ng Oktubre sa Arena Națională na matatagpuan sa Bucharest, Romania.