Hindi takot sumubok ng mga bago ang Dota 2, at darating na ito sa Seattle sa October para sa The International.

Magkakaroon ang TI12 ng mga malalaking pagbabago sa kanilang format, tulad ng kanilang schedule, group stage, at ang classic lower bracket best-of-ones, inanunsyo ng Valve.


Mananatili ang schedule ng The International 11 

Dota 2 The International Aegis
Credit: Valve

Nakita sa TI noong nakaraang taon sa Singapore ang mga malalaking pagbabago sa schedule – hinati ang The International sa loob ng tatlong phase, at bawat phase ay nangyari sa weekend. Ito ay naging malaking pagbabago sa mga past events, na ginanap araw-araw sa loob ng dalawang linggo.

Mukhang mananatili ang format na ito. Gaganpin ang TI12 sa loob ng mga araw na ito:

  • Group Stage: October 12-15 
  • Playoffs: October 20-22 
  • The Finals: October 27-29 

“As a landmark esports event, The International attracts viewers who have never played Dota, or even watched a live gaming event,” sabi ng Valve sa anunsyo.

“We hear a consistent message from first-time watchers: that TI is exciting, but can sometimes feel overwhelming. There are so many matches happening, new viewers can find it difficult to understand which to focus on.”

Magiging The Road to The International ang pangalan ng group stage at playoffs, habang magkakaroon ng last eight teams ang The International proper sa playoffs stage, para makapaghatid ng mas klarong daan para makapag “experience the biggest moments of the event.”


4 groups ang lalahok sa bagong group stage para maging mas “impactful” ang bawat laro

Dota 2 TI12 Groups
Credit: Valve

Kinilala ng Valve na ang dating group stage na may 20 teams na hinati sa dalawang grupo ay naging “frantic” at hindi naging “meaningful.”

“It also meant that a lot of matches in the final days of Group Stage were literally meaningless, because they wouldn’t actually affect the final standings,” sabi ng Valve. “The challenge, then, was to come up with a Group Stage format that heightened the stakes of each and every game.”

Kaya naman magkakaroon ang TI12 ng apat na grupong may limang myembro sa loob ng dalawang araw lamang, at ang bottom team sa bawat grupo ay matatanggal. Pagkatapos, ang mga natirang 16 teams ay uusad sa head-to-head matches laban ang isa’t-isa, para masigurado na ang bawat team ay makakapaglaro laban sa isa’t-isa bago magumpisa ang playoffs.

Isa itong throwback sa dating Dota 2 – ang pinakaunang TI sa Cologne, Germany, ay nagkaroon ng apat na grupo.


Wala na ang lower bracket best-of-ones sa TI12

Dota 2 The International Team Liquid
Credit: Valve

Matapos makipaglaban para sa pwesto sa group stage, walong teams ang uusad sa upper bracket, at walong teams para sa lower bracket. Habang ang dating lower bracket teams ay kakabahan sa posibilidad ng high-stakes best-of-ones sa unang round, makikita sa TI12 na ang lahat ng matches ay ilalaro sa isang best-of-three.

Ang The Finals at The International proper ay magkakaroon ng walong teams mula sa October 27 hanggang 29. Sa huli, kahit saan man sila magsimula, isang champion lamang ang makakakuha sa korona.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Dota 2.

BASAHIN: Valve naglabas ng Dota 2 7.34 patch notes – na puro emojis