Sa unang bahagi ng article series na ay tinalakay natin ang kasalukuyang tier 1 heroes sa professional scene ng Dota 2. Ngayon naman ay sisilipin natin ang mga tier 2 at tier 3 heroes ngayong buwan ng Hulyo.

Ang tier 2 at tier 3 heroes sa Dota 2 ang kadalasang pinipili sa draft kapag na-ban ang priority heroes tulad nila Puck, Marci at Dawnbreaker. Bagamat hindi sila ang prayoridad sa draft, hindi maikakaila na malaki pa rin ang impact nila sa isang laro.


Tier 2 heroes ngayong Hulyo 2022

Ang tier 2 heroes ay mga safe at stable picks na kadalasan ay hindi target ng instant ban o pick mula sa magkabilaang koponan. Kahit hindi sila kasing lakas ng mga nasa tier 1, kayang-kaya pa rin nila makipagsabayan sa isang laro kung saan pumapabor ang sitwasyon sa kanila.

Viper

Kabilang si Viper sa tier 2 at tier 3 heroes sa Dota 2 ngayong Hulyo 2022
Credit: Valve

Sobrang lapit na ni Viper sa pagiging tier 1 hero. Sa kasalukuyan, isa siya sa mga top pick dahil sa kanyang built-in Break mechanic dulot ng kanyang second skill na Nethertoxin at ang abilidad niya na dominahin ang lane laban sa halos lahat na matchups.

Maganda siyang pangontra sa ilang cheese picks ng meta tulad nila Bristleback at Enchantress. Malakas din ang kanyang sieging ability sa mga huling bahagi ng laro dahil sa Aghanim’s Shard na hinahayaan siyang magamit ang kanyang Poison Attack (1st skill) sa buildings.


Timbersaw

Credit: Valve

Dahil sa pagkawala ng ilang offlaners sa rotation, lumalabas ngayon si Timbersaw bilang isa sa malalakas na position 3 na pwede ring i-flex sa position 2.

Mahirap siyang paalisin sa lane laban sa mga sikat na carry ngayon at malaki ang nakukuhang benepisyo mula sa solo experience kaya naman maagang nakakapag-roam ang mga support gaya nila Marci, Tiny at Clockwerk. Nagbibigay siya ng isa sa pinakamataas na burst damage mula sa isang offlaner, ngunit kinukulang siya sa crowd control.

Kabilang din sa listahan ng tier 2 heroes sina:

  • Keeper of the Light
  • Batrider
  • Terrorblade
  • Bloodseeker
  • Visage
  • Medusa
  • Razor
  • Ember Spirit
  • Void Spirit
  • Enigma
  • Enchantress
  • Clockwerk

Tier 3 heroes ngayong Hulyo 2022

Mas bihirang makita ang tier 3 heroes kumpara sa mga nasa tier 1 at tier 2. Pwedeng silang ang cheese last pick na imposibleng makontra, pasok sa playstyle ng isang partikular na manlalaro o team, o kaya naman hard counters sa mga mas popular na hero.

Bristleback

Credit: Valve

Mabilis na umaangat si Bristleback sa ranggo ng premier hard carries ngayong patch sa kabilang ng pagiging isang tradisyonal na offlaner. Lumalayo na ang pros sa Quill Spray (2nd skill) stacks at dumidepende na sa napakalaking physical damage na binibigay ng Warpath (ultimate) stacks —hanggang 350 extra sa max level at 600 sa Level 25 talent.

Kaya rin ni Rigwarl na mag-farm ng Ancient stacks at pabilis ang kanyang timing sa pagkuha ng core items tulad ng Aghanim’s Scepter at Assault Cuirass na ginagawa siyang frontline tank na kayang gulungan ang mga kalaban.


Juggernaut

Credit: Valve

Si Juggernaut ay isa pang carry na tumataas din ang pick rate sa pro scene. Bagamat nananatiling tila kwestyonableng DPS spell ang kanyang Omnislash (ultimate), ang kanya namang Blade Fury ay pinalakas ng talents.

Kapag idinagdag ang duration at damage talents maging ang Aghanim’s Shard, kayang mag-deal ng Blade Fury ng 315 magic damage sa loob ng anim na segundo kasama pa ang trigger effects ng mga item tulad ng Mjolnir at Skull Basher. Ang mga hero na walang mobility, na kadalasan mga support, ay pwedeng mamatay kaagad sa spell na ito na may cooldown lamang na 18 segundo.

Kabilang din sa listahan ng tier 3 heroes sina:

  • Faceless Void
  • Alchemist
  • Zeus
  • Templar Assassin
  • Kunkka
  • Pangolier
  • Dragon Knight
  • Snapfire
  • Death Prophet
  • Winter Wyvern
  • Io
  • Chaos Knight
  • Warlock
  • Lycan

Para sa Dota 2 news, guides at highlights, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.