Sa unang bahagi ng article series na ito ay tinalakay natin ang kasalukuyang tier 1 heroes sa professional scene ng Dota 2. Ngayon naman ay sisilipin natin ang mga tier 2 at tier 3 heroes sa Dota 2 ngayong buwan.

Ang tier 2 at tier 3 heroes sa Dota 2 ang kadalasang pinipili sa draft kapag na-ban ang priority heroes tulad nila Death Prophet, Templar Assassin, Tiny, Io at Mars. Bagamat hindi sila ang prayoridad sa draft, hindi maikakaila na malaki pa rin ang impact nila sa isang laro.


Tier 2 heroes ngayong April 2022

Ang tier 2 heroes ay mga safe at stable picks na kadalasan ay hindi target ng instant ban o pick mula sa magkabilaang koponan. Kahit hindi sila kasing lakas ng mga nasa tier 1, kayang-kaya pa rin nila makipagsabayan sa isang laro kung saan pumapabor ang sitwasyon sa kanila.

Sand King

Credit: Valve

Dating pure offlaner, si Sand King ay nakikita na rin ngayon sa mid lane. Kaya niyang gawan ng paraan ang kanyang medyo mahinang laning power maliban kung melee heroes ang katapat dahil sa Caustic Finale. Gamit ang Sandstorm, mabilis niyang naki-clear ang jungle stacks. Ngayon ay madalas na siyang binubuuan ng Ethereal Blade para lalong dagdagan ang kanyang burst damage.

Medusa

Credit: Valve

Si Medusa ang isa sa pinakamalakas na carry ngayong patch at flexible din siya na pwedeng ilipat sa mid. Mahina siya sa laning stage at kailangang makakuha ng mas maraming items para makipagsabayan kumpara kila Tiny at TA. Ngunit sobrang nakakatakot naman siya pagdating sa late dahil sa kanyang matinding right-click damage at kunat dulot ng Mana Shield.

Enchantress

Credit: DeviantArt

Medyo metikuloso piliin si Enchantress dahil nangangailangan siya ng magandang micro skills pero sobrang lakas kapag napunta sa tamang kamay. Kaya niyang ipanalo ang isang lane sa pamamagitan ng pagkuha ng malakas na creep gamit ang Enchant. Mabisa rin itong pang-dispel sa iba’t-ibang buffs tulad ng damage reduction ng Shield Crash ni Pangolier at Flame Guard ni Ember Spirit. Mahirap siya patayin gamit ang normal attacks dahil sa Untouchable ultimate ngunit mahina laban sa burst damage.

Kabilang din sa listahang ito sina:

  • Grimstroke
  • Storm Spirit
  • Invoker
  • Kunkka
  • Monkey King
  • Shadow Demon
  • Snapfire
  • Mirana
  • Weaver
  • Bane
  • Keeper of the Light

Tier 3 heroes ngayong April 2022

Mas madalang makita ang tier 3 heroes kumpara sa mga nasa tier 1 at tier 2. Pwedeng silang ang cheese last pick na imposibleng makontra, pasok sa playstyle ng isang partikular na manlalaro o team, o kaya naman hard counters sa mga mas popular na hero.

Pugna

Credit: DeviantArt

Unti-unting sumisikat ngayon si Pugna bilang isang support. Ang ni-rework na Nether Ward, na ngayon nagbabawas ng spell damage sa isang area, ay isang nakakamanghang skill na pangontra sa Blink Dagger initiators gaya ni Sand King at Mars. Pinapalaki ng Aghanim’s Shard ang cast range nito at nagagamitan ito ng Life Drain upang ma-refract ang damage mula sa mga kalaban na nasa loob ng 700 units. Ang Decrepify naman ay isang magandang skill na pang-save laban sa mga hero na may malaking physical damage habang ang Life Drain ay madalas ding gamitin pang-save at nakaka-restore pa ng mana.

Dragon Knight

Credit: Valve

Gaya pa rin ng dati, si Dragon Knight ay isang napakakunat na hero na sobrang hirap paalisin sa lane, sa mid man yan o off. Mas pinalakas pa nga siya dahil sa Aghanim’s Shard na binibigyan siya ng ability na Fireball. Meron itong 80 damage per second at mabisa sa pag-clear ng creep waves maging sa team fights.

Pasok din sa tier na ito ang sumusunod na heroes:

  • Anti-Mage
  • Hoodwink
  • Necrophos
  • Leshrac
  • Faceless Void
  • Gyrocopter
  • Abaddon
  • Terrorblade
  • Undying

Para sa Dota 2 news, guides at highlights, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.