Ang competitive meta ng Dota 2 ay pwedeng magbago sa isang iglap. Laging naglalabas ang mga professional player ng mga sariwang ideya at bagong sistema kung paano sila naglalaro kaya naman patuloy na nag-e-evolve ang roster ng heroes na ginagamit.

Ang mga hero ay isinaayos sa tatlong tier para ipakita ang kanilang halaga sa professional scene. Nasa 40 heroes ang madalas gamitin sa competitive setting, bagamat ang balanseng katangian ng Dota 2 ay nangangahulugan na mas maraming hero ang viable.

Ang mga hero dito ay niranggo base sa kanilang popularidad sa pro scene kung saan ang execution ay kasinghalaga ng draft. Bilang panimula, narito ang tier 1 heroes sa Dota 2 ngayong buwan.


Ang kasalukuyang tier 1 heroes sa Dota 2

Ang tier 1 heroes sa Dota 2 ngayon ay lumalabas sa halos lahat ng draft, pick o ban man. Ang kanilang lakas ay maaaring ang kanilang flexibility o kaya naman ang kanilang pagiging overpowered sa puntong walang ibang hero na kaya silang pantayan kapag nakuha na ang tamang timing at items.

Death Prophet

Credit: Valve

Noon pa man ay isa na sa pinakamagandang team fight at pushing ability ang Exorcism ultimate ni Death Prophet. At sa bagong patch, lalong pinalakas ang damage nito sa buildings salamat sa undocumented change sa damage type.

Kasama na ang kanyang natural na laning prowess dala ng kanyang magandang attack animation, low-mana Crypt Swarm, mataas na movement speed at mabisang trading tool gamit ang Spirit Siphon, pwede siyang ilagay sa iba’t-ibang role mula position-2 hanggang 5. Dagdag pa ang Aghanim’s Shard upgrade na nakaka-fear ng kalaban kaya malakas pa rin siya sa late game kahit na cooldown ang kanyang ulti.

Ang kanyang viability sa lahat ng lane at apat na role ang dahilan kung bakit siya first-phase regular at isa sa mga tier 1 heroes sa Dota 2 ngayong buwan.


Templar Assassin

Credit: Valve

Para kay Evil Geniuses carry Artour “Arteezy” Babaev, posibleng si Templar Assassin ang pinaka-broken na hero sa Dota 2.

Kung dati ay pure midlaner, nagkaroon ng resurgence si Lanaya bilang pure hard carry. Sobrang tindi ng physical damage potential niya at tinutulungan siya ng kanyang Psi Blades na makaatake nang ligtas at maikalat ang kanyang damage.

Solido rin ang objective-taking ni TA. Salamat sa Refraction at Meld, madali niyang napapatumba si Roshan. Gamit naman ang Psionic Traps, nagbibigay din siya ng malaking vision at kapag may Aghanim’s Shard na ay nakaka-silence pa ito na epektibo kontra sa mga mobile enemy heroes na kadalasang kahinaan niya.


Tiny

Credit: Valve

Ang hero na nagdomina sa The International 10 ay nanatili pa ring malakas sa meta at maaari pa ngang mas malakas siya ngayon.

Dahil sa Aghanim’s Shard na ginagawang permanent ang kanyang primary farming tool na Tree Grab, mabilis na nag-i-scale si Tiny. MAdali pa rin siyang i-kite pero kapag nadikitan na niya ang isang kalaban, kaya niya itong i-burst down gamit ang kombinasyon ng kanyang physical at magical damage.

Bagamat mas one-dimensional hero siya ngayon, nag-e-experiment pa rin ang mga koponan sa paglagay sa kanya sa mid lane. Mahirap siyang mapalayas sa lane dahil sa kanyang angking kunat at patuloy naman siyang nagkakaroon ng mana gamit ang Water Runes.

Higit sa lahat, walang ibang hero ang nagca-capitalize ng deaths ng kalaban na kasing-bisa ng kay Tiny. Kapag nanalo sa isang team fight, mabilis niyang nadudurog ang buildings dahil sa kanyang Tree Grab. Dahil sa mga ito, kabilang siya sa mga tier 1 heroes sa Dota 2 sa ngayon.


Io

Credit: Valve

Hindi nawawala sa meta si Io dahil na rin sa lagi siyang pinapaboran ng pros mula pa noon. Pero imbes na maging buff bot lang para sa isang late-game carry, naging mas aktibong hero na siya ngayon.

Nagbibigay si Wisp ng matinding boost sa spell amplification gamit ang Overcharge. Madalas siyang pinapares sa mga magic-focused midlaners tulad nila Storm Spirit at Leshrac na malaki ang napapala sa spell amp at dagdag na mana regen. Nabibigyan niya rin ang mga squishy hero na ‘to ng health regen at nadadala sila sa kahit anong parte ng mapa para makalaban.

Kalaunan ay pwede na ulit siya ipares sa hard carry, patunay na maganda ang kanyang synergy sa mga kakampi na cores sa kabuuan ng laro.


Mars

Credit: Valve

Si Mars and quintessential offlaner para sa 7.00 generation ng mga manlalaro. Ang god of war ay laging handa sa digmaan anumang oras o saanmang lugar, salamat sa mababang cooldown ng kanyang mga skill. Kahit ang ultimate niya na Arena of Blood ay maituturing na mababa ang cooldown sa 90 seconds dahil sa malaking impact nito.

Maigi rin siyang nag-i-scale at karamihan sa mga manlalaro ay binubuuan siya ng carry items tulad ng Desolator at Satanic. Ito ang dahilan kaya nag-e-experiment ang mga koponan na ilagay siya iba’t-ibang role tulad ng midlaner at safelaner.

Pero mas swak pa rin talaga siya bilang pure utility hero at dito talaga nakikita na kabilang siya sa tier 1 heroes sa Dota 2 ngayon. Kahit mahirapan sa offlane, pwedeng-pwede pa rin siya makapag-contribute gamit ang kanyang hard lockdown at mabisa kontra sa ranged carries dahil sa kanyang Bulwark at projectile-blocking ng kanyang Arena.


Kabilang din sa tier 1 heroes sa Dota 2 ngayong buwan ay ang mga sumusunod:

  • Ember Spirit
  • Medusa
  • Pangolier

Abangan ang ikalawang parte ng Dota 2 hero tier list ngayong April 2022.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa news, guides at highlights tungkol sa Dota 2 maging sa Dota Pro Circuit.


Hango ito sa artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.