Ipinakilala na ng Fnatic ang mga manlalarong papalit sa mga miyembro nilang bigong makakuha ng visa para makasabak sa Arlington Major, ang huling Major tournament ng Dota Pro Circuit 2021/2022.

Tatlong players ng TSM na sina Enzo “Timado” O’Connor, Jonathan “Bryle” Guia, at Kim “DuBu” Doo-young ang kakampi kina Djardel “DJ” Mampusti at Anucha “Jabz” Jirawong para maipagpatuloy ng pambato ng Southeast Asia ang kanilang kampanya para maka-directly qualify sa susunod na The International.

Hahali ang mga players ng naturang North American team sa tatlong Pinoy players ng Fnatic na sina Marc Polo “Raven” Fausto, Armel “Armel” Tabios, at Jaunuel “Jaunuel” Arcilla.



Fnatic kinumpleto ng 3 TSM players para sa Arlington Major

3 TSM players, sa-sub sa Fnatic para sa Arlington Major
Credit: TSM, ONE Esports
  • (1) Enzo “Timado” O’Connor
  • (2) Jonathan “Bryle” Guia
  • (3) Anucha “Jabz” Jirawong
  • (4) Djardel “DJ” Mampusti 
  • (5) Kim “DuBu” Doo-young

Tinapos ng TSM ang ikatlo at huling Tour ng DPC 2021/2022 NA Division 1 sa ika-apat na puwesto kaya’t hindi ito makadadalo sa Arlington Major.

Sa tulong ng mga stand-in, kailangang makaselyo ng Fnatic ng hindi bababa sa top eight finish para mapabilang sa 12 direct invitees ng The International 2022. Kasalukuyan silang nasa ika-10 puwesto ng DPC 2021/2022 rankings nang may 1,020 points.

Sa kabutihang palad, hindi kakaltasan ng DPC points ang koponan kahit pa maglalaro sila sa turneo nang may stand-in. Ito ang kinumpirma ng tournament organizers, kasabay ng pagpapapayag sa kanilang tumuloy sa paligsahan.

Ang tanging balakid na lang na kailangang lampasan ng Fnatic ay chemistry nila kasama ang tatlong TSM players. Nawa’y hindi ito maging kasing hirap lalo na’t naging kampi na rin nina DJ at Jabz si DuBu.

Samantala, nakatakda naman iraos ang Arlington Major simula ika-apat hanggang ika-14 ng Agosto.



Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ito ang resultang kailangan ng SEA teams sa Arlington Major para makakuha ng TI11 direct invite