Nagpatuloy ang Cinderella run ng Team Spirit sa The International 10 matapos talunin ng koponan mula sa CIS ang pambato ng China na Invictus Gaming sa kanilang lower bracket semifinal match sa Day 5 ng playoffs.

Gumawa ng kasaysayan ang carry player ng Spirit na si Illya “Yatoro” Mulyarchuk bilang una at natatanging Dota 2 player na nakapagtala ng dalawang rampage sa main stage ng The International.

Ang nakakamangha pa rito ay ginawa niya ‘yon sa kauna-unahan niyang pagdalo sa TI.


Binasag ni Yatoro ng Team Spirit ang record para sa pinakamaraming rampage sa TI Main Event

Credit: Valve

Nakaharap ng Team Spirit ang ONE Esports Singapore Major champion na Invictus Gaming sa isang matinik na rematch.

Sa kanilang unang pagtatapat noong opening match ng TI10 Main Event, nanalo ang IG sa iskor na 2-1 at pinabagsak ang Spirit sa lower bracket. Pero rumatsada ang naglalagablab na CIS squad hanggang sa lower bracket semifinal kung saan nakaganti sila sa kanilang Chinese rivals.

Sa seryeng ito, naungusan ni Yatoro ng Team Spirit ang lahat ng carry players sa kasaysayan ng TI matapos niyang ilista ang kanyang ikalawang rampage sa TI10. Dahil dito, hawak na niya ang record para sa pinakaraming rampage sa TI Main Event.


Mga Dota 2 pro na nakapagtala ng rampage sa The International Main Event

Credit: Valve
KOPONANPLAYERKAILAN
Natus VincereOleksandr “XBOCT” Dashkevychkontra Team DK sa TI2
TongFuZhang “Mu” Pankontra Invictus Gaming sa TI3
Vici GamingChen “Hao” Zhihaokontra LGD Gaming sa TI5
LGD GamingWang “Ame” Chunyukontra Digital Chaos sa TI7
OGTopias “Topson” Taavitsainenkontra Team Liquid sa TI9
Team SpiritIllya “Yatoro” Mulyarchukkontra Invictus Gaming, dalawang beses sa TI10

Naka-iskor si Yatoro ng Team Spirit ng dalawang rampage kontra sa Invictus Gaming sa TI10 Main Event. Nakuha niya ang una sa pamamagitan ng kanyang Morphling na naka-double damage rune na pinulbos ang IG sa 36-minute mark ng Game 1 ng kanilang upper bracket quarterfinal match.

Ang pangalawang rampage naman ay nailista ng pinakabatang player sa TI10 sa Game 2 ng kanilang lower bracket semifinal series kontra sa IG pa rin.

Sa simula ng isang clash, nahuli ni IG carry Jin “flyfly” Zhiyi sa Faceless Void ang Team Spirit gamit ang dalawang Chronosphere na binura ang Aegis of Immortal na bentahe ng Spirit.

Nang maubos na ang halos lahat ng spell at ultimate ng IG, dito na nagpakawala ng matinding damage ang Drow Ranger ni Yatoro at kinuha ang marka na pinakaraming rampage sa TI main stage.

Ang lalo pang kamangha-mangha rito ay gumamit si Yatoro ng iba’t-ibang carry hero sa bawat laro nila sa TI10 Main Event.

Credit: Team Spirit

Gumamit siya ng Morphling, Chaos Knight, Juggernaught, Luna, Sven, Faceless Void, Lifestealer, Monkey King, Terrorblade, Tiny, Phantom Assassin at Drow Ranger sa 12 games nila so far sa TI10 Main Event.


Sa ngayon ay kinakalaban nila Yatoro at Team Spirit ang powerhouse mula sa Eastern Europe na Team Secret sa lower bracket final. Aabante ang mananalo sa best-of-five Grand Final kung saan naghihintay ang Chinese giant na PSG.LGD.

Mapapanood ang opisyal na Filipino broadcast ng The International 10, hatid ng LuponWXC, sa kanilang TwitchYouTube at Facebook channels. Masusubaybayan din ang mga kaganapan sa TI10 sa pamamagitan ng pag-follow sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.


Base ito sa orihinal na akda ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.

Gusto mo pa ba ng Dota 2 action? Panoorin ang Heroes of the Game documentary presented by foodpanda.