Ang unang Dota 2 Major ng taon ay nalalapit na. Ang ESL ONE Stockholm Major 2022 ang una sa dalawang Majors ngayon taon at mamarkahan nito ang pagbabalik ng live audience matapos ang dalawang taon.

Pwede kang maging parte ng aksyon kapag sumali ka sa ONE Esports Fantasy ESL One Stockholm Major Challenge!

Tingin mo ba ay kaya mong hulaan kung sino ang magkakampeon sa 18 koponan? Halina’t laruin mo na ito. Ang mananalo ay makakatanggap ng 12-month Dota Plus subscription na makakapagbigay ng acccess sa shards, mga bagong hero chat wheel response, ekslusibong rewards at marami pang iba.


Paano makasali sa ONE Esports Fantasy ESL One Stockholm Major Challenge?

Para makapagsimulang maglaro, kailangan mo lang sagutin ang tanong na ito:

  1. Ano ang 8 koponan na makakapasok sa upper bracket? (100 points kada tamang hula)
  2. Anong mga koponan ang magtatapos sa Top 4? (300 points kada tamang hula)
  3. Anong rehiyon ang mananalo ng Major? (500 points)
  4. Anong koponan ang tatanghaling kampeon sa ESL One Stockholm Major? (1,000 points)

Sa bawat tamang prediskyon ay makukuha mo ang nabanggit na points. Ang goal sa ONE Esports Fantasy ESL One Stockholm Major Challenge ay makalikom ng mga puntos hangga’t kaya.


Tiebreaker rules

Kapag may mga manlalarong nakakuha ng parehong dami ng puntos, isang tiebreaker ang kailangang gawin. Ang manlalaro na may pinakamalapit na sagot sa mga tanong sa ibaba ang hihiranging panalo sa naturang fantasy challenge.

  1. Ilang Roshan ang mapapatay sa grand finals?
  2. Ilang hero kills ang makukuha ng mananalong koponan sa grand finals?

Ano ang premyo sa ONE Esports Fantasy ESL One Stockholm Major Challenge?

Stockholm Major
Credit: ESL

Lahat ng mga mananalo ay makakatanggap ng Dota Plus subscription, pero isa lang ang tatanghaling Grand Winner na siyang makakakuha ng 12-month subscription. Ang mga manlalarong pasok sa 2nd-6th place ay mayroong 6-month subscription habang ang mga nasa 7th-16th ay may 1-month subscription.

  • 1x Grand Winner: 12-month subscription
  • 5x Tier 1 winners: 6-month subscription
  • 10x Tier 2 winners: 1-month subscription

Handa ka na sagutin ang mga tanong? I-click ang link na ito para makasali sa ONE Esports Fantasy ESL One Stockholm Major Challenge. Bukas ang registration mula ika-5 hanggang ika-11 ng Mayo.