Si Ella Cruz, isa sa mga pinakasikat na aktres na Pinay ngayon, ang bagong mukha ng umuusbong na battle royale game na Farlight 84.

Inanunsyo ng publisher na Farlight Games sa kanilang kauna-unahang Philippines Summit na ang kilalang artista ang kanilang brand ambassador. 

Kasabay ng anunsyong ito ang paghatid ng publisher ng mga inisytatiba at content na gawa para sa Pinoy audience, na nakatakdang magumpisa ngayong taon.


Magkakaroon si Ella Cruz ng sarili niyang ekslusibong emote at in-game dance sa Farlight 84 

Farlight 84 Ella Cruz
Credit: Myrtle Sarrosa

Nakatakdang bibida ang sikat na Pinay na aktres sa inaugural television advertisemeng ng laro bilang parte ng partnership.  

“It brings me immense pride to be the brand ambassador of Farlight 84, diving headfirst into the heart-pounding excitement of one of the Philippines’ most beloved FPS games,” sabi ni Ella.  

“As a player myself, I’m thrilled by the positive impact Farlight is bringing to the Filipino gaming community.”

Ibinunyag din ng Lilith Games ang isang kolaborasyon kasama sina Josh at Justin, myembro ng Filipino pop sensation na SB19, para sa musical release ng laro.  

Magkakaroon din sila ng sarili nilang in-game emote at mga sayaw.  

Kilala si Cruz sa kaniyang mga proyekto sa mga lokal na TV shows tulad ng Ang Probinsyano, Aryana, at Bagito. Isa rin siyang internet personality, at mayroon siyang 1.3 million subscribers sa YouTube at 7.8 million followers sa Facebook.



Kasabay ng mga kolaborasyong ito, isang teaser din ang inilabas tungkol sa isang Pinoy na hero sa roster ng laro, na inaasahang lalabas ngayong October.  

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Farlight 84.

BASAHIN: Soniqs tagumpay sa PUBG Global Series 2