Mula August 18 hanggang 20 sa Riyadh, Saudi Arabia, dikdikang battle royale action ang naganap sa PUBG Global Series 2 – ngunit isang team lamang ang nagwagi.  

Nirepresenta nina Hunger “hwinn” Winn, James “TGLTN” Giezen, Tristan “Shrimzy” Nowicki, Austin “M1ME” Scherff ang Soniqs at nagpamalas ng isang kamangha-manghang performance sa loob ng tatlong araw upang maipanalo ang US$600,000 mula sa US$2 million prize pool mula sa Krafton Inc.



Ang Soniqs ang pinaka-consistent na koponan sa PUBG Global Series 2

Soniqs ang kampeon sa PUBG Global Series 2
Credit: PUBG Esports

Nakakuha ng tatlong panalo ang North American squad sa loob ng apat na rounds sa grand finals, mas marami sa kahit ano mang team, at naging second sa numero ng kills matapos nilang makakuha ng 89 kills. Ang kanilang katunggali na Twisted Minds ng EMEA ang nagkaroon ng most kills, ngunit hindi naka-place sa kabila ng kanilang kills na 93.

Nakuha rin ni TGLTN ng Soniqs ang MVP – at isang US$20,000 bonus – para sa kaniyang matinding performance sa finals, matapos makakuha ng most kills na 29 para maihatid ang kaniyang team patungong championship.

PUBG Soniqs
Credit: Krafton Inc.

Ang Global Series 2 ay isa pang hakbang para sa PUBG Global Championship na gaganapin sa Bangkok sa November 28 hanggang December 3. Bagaman hindi pa kumpirmado ang prize pool, ang nakaraang PGC noong 2022 ay nagkaroon ng US$3.3 million na prize money.

Ang mga teams na nakakuha ng PSG points sa kanilang placement sa Global Series 2 ang magtutukoy kung qualified sila para sa PGC 2023. Nakakuha na ng pwesto ang Soniqs, pati na rin ang Twisted Minds, 17 Gaming, at Danawa Esports para sa kani-kanilang consistent na performance sa dalawang PUBG Global series.

Nagbunyag din ang Krafton ng mga detalye ukol sa susunod na PUBG event, kung saan nakasalalay ang iyong pagiging makabayan— ang PUBG Nations Cup 2023, kung saan 16 na bansa ang maglalaban-laban sa Sangnam Colosseum sa Seoul, South Korea, sa September 15 hanggang 17. Ito ang magiging unang tournament na magpapakilala sa Vikendi bilang opisyal na kompetetib na mapa, plus ang updated na Miramar at Taego.



Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa PUBG.

BASAHIN: 3 Highlights ng Blackpink PUBG Livestream!