‘Di tayo binigo ng 2021 pagdating sa mga AAA titles gaya ng Resident Evil Village at Halo Infinite, pero dahil sumapit na ang bagong taon, oras na para abangan ang mga bagong release.

Mainit ang lineup ng PlayStation dahil sa inaabangang God of War Ragnarok at Horizon Forbidden West, habang ipagpapatuloy naman ng Nintendo ang tagumpay ng Legend of Zelda franchise nito.

Narito ang pitong kaabang-abang na game releases ngayong 2022, kabilang na ang projected release dates, developers, at platforms kung saan pwede ito laruin.

7 game releases ngayong 2022 na dapat laruin ng lahat

7. Legend of Zelda: Breath of the Wild 2

7 game releases ngayong 2022: Legend of Zelda: Breath of the Wild 2
Credit: Nintendo

Release date: 2022
Developer: Nintendo
Platform: Nintendo Switch

Ika nga nila, “if it ain’t broke, don’t fix it.”

Iyan ang tinandaan ng Nintendo habang ginagawa ang paparating na AAA title na Legend of Zelda: Breath of the Wild 2.

Matapos ang tagumpay nina Link at Princess Zelda sa naunang laro, tampok sa Breath of the Wild 2 ang pagbabalik ng a la zombie na Calamity Ganon para ipagpatuloy ang plano niyang sakupin ang Hyrule.

Kapansin-pansin sa pinakahuling trailer ng laro ang motif ng reversing time. Makikita kasing bumabalik sa langit ang mga droplet pati na rin ang pagpapablik ni Link sa isang gumugulong na spiked ball.

Inaasahan ang pagbukas ng isa nanamang open-world adventure sa release ng Breath of the Wild 2.

6. Gotham Knights

7 game releases ngayong 2022: Gotham Knights
Credit: WB Games Montréal

Release Date: 2022
Developer: WB Games Montréal
Platforms: PC, PlayStation 4, PlayStation 5, Xbox One, Xbox Series X/S

Sinong magliligtas sa Gotham kung patay na si Batman?

Ito ang tanong na nais sagutin ng mga player dahil tampok sa Gotham Knights ang apat na batang kahalili ni Bruce Wayne: Batgirl, Nightwing, Robin, at Red Hood.

Pwedeng enjoy-in ang laro bilang lone Bat o nang may kalaro sa co-op multiplayer. Bilang role-playing game, ang bawat character ay may kanya-kanyang playstyle at ability, pati na rin leveling system.

Dahil mas maraming Bats ang tampok, tiyan na kaabang-abang ang game release ng Gotham Knights.

5. Elden Ring

7 game releases ngayong 2022: Elden Ring
Credit: From Software

Release date: Pebrero 25
Developer: From Software
Platforms: PC, PlayStation 4, PlayStation 5, Xbox One, Xbox Series X/S

Bagong taon, bagong Souls game para masubok ang husay mo sa gaming. Kung trip mo ang mahihirap na laro ngayong 2022, dapat mong subukan ‘to.

Tampok sa Elden Ring ng From Software ang sikat na Souls experience, pati na rin ang kwento nito na sinulat mismo ng Game of Thrones author na si George R.R. Martin.

Kumpara sa mga naunang laro ng nasabing developer, open-world ang Elden Ring. Pwedeng libutin ng mga manlalaro ang iba’t-ibang lugar dito sakay ng isang mount o gamit ang fast travel system.

Ang pangunahing storya ng laro ay ang pagkolekta sa mga nasirang piraso ng Elden Ring mula sa mga demigod at maging ang Elden Lord.

4. Horizon Forbidden West

7 game releases ngayong 2022: Horizon Forbidden West
Credit: Guerrilla Games

Release date: Pebrero 18
Developer: Guerrilla Games
Platforms: PlayStation 4, PlayStation 5

Isa pang open-world ang Horizon Forbidden West. Bida sa action-adventure game na ‘to si Aloy, isang huntress na naninirahan sa post-apocalyptic United States na pinamumunuan ng mga a la-hayop na robot.

Ipagpapatuloy dito ang nasimulang kwento ng Horizon Dawn Zero, kung saan naglalakbay si Aloy papunta sa West Coast para mahanap ang pinagmulang ng misteryosong salot na pumapatay sa kanyang kapaligiran.

Base sa trailer, maaasahan ang mga mas malalakas na kalaban at bagong element ng underwater exploration sa Horizon Fobidden West.

3. Project L

7 game releases ngayong 2022: Project L
Credit: Riot Games

Release date: TBD
Developer: Riot Games
Platforms: TBD

Para ‘tong League of Legends, pero 2.5D.

Bagamat patuloy pa ring dine-develop, ibinahagi ng magkapatid at tanyag na miyembro ng Fighting Game Community (FGC) na sina Tom at Tony Cannon sa dulo ng RiotXArcane campaign ang progreso nila sa Project L, partikular na ang tag-team mechanics nito at controls.

Dahil sa malalaking pangalang bumubuo dito, inaasahan ang mainit na pagtanggap sa Project L, gaya ng classic fighting game titles na Street Fighter at Tekken. Kailangan na lang malaman kung kailan nga ba balak ng Riot Games na i-release ang laro.

2. God of War Ragnarok

7 game releases ngayong 2022: God of War Ragnarok
Credit: Santa Monica Studio

Release date: 2022
Developer: Santa Monica Studio
Platforms: PlayStation 4, PlayStation 5

Kung sa tingin mo mahirap ang maging magulang, dito sa God of War Ragnarok, masusubukan mo ‘to habang nilulutas ang mga pang-araw-araw na problemang sanhi ng mga Norse god at ang nagbabadyang katapusan ng mundo.

Tampok sa God of War Ragnarok ang bidang si Kratos at ang binata na niyang anak na si Atreus. Patuloy ang paghahanap nila sa sagot patungkol sa kapalaran ng bata bilang si Loki.

Kung naghahanap ka ng father-and-son story na may halong madugong gameplay, ‘di mo dapat ma-miss ang release nito ngayong taon.

1. Starfield

7 game releases ngayong 2022: Starfield
Credit: Santa Monica Studio

Release date: Nobyembre 11
Developer: Bethesda Game Studios
Platforms: PC, Xbox Series X/S

Ang kalawakan naman ang target ng Bethesda sa pinakabagong project nilang Starfield.

Starfield ang pinakabagong franchise ng studio noong nakaraang 25 taon. Katulad ng franchises ng Fallout at Elder Scrolls, pwede rin i-customize ng players ang main character nila at simulan ang istorya bilang miyembro ng Constellation, isang organization ng space explorers.

Dahil tukoy na ang release date nito, inaasahan ang release ng Starfield.

Para sa gaming news, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Street Fighter magdiriwang ng 35th anniversary