Pinagbibidahan ng 182 mandirigma, ipinagmamalaki ng DRAGON BALL: Sparking! ZERO ang isa sa pinakamalawak na koleksyon ng mga karakter sa kasaysayan ng Dragon Ball games.
Kabilang sa mga ito ang 53 bagong karakter sa DRAGON BALL: Sparking! ZERO na ipinapamalas ang kanilang kapana-panabik na debut at nagdadala ng sariwang enerhiya at natatanging kapangyarihan sa Tenkaichi series.
Isa ka mang beteranong tagahanga ng Dragon Ball o bagong salta sa saga, ang mga bagong karakter na ito ay nangangako ng nakakapreskong karanasan na puno ng mga natatanging kakayahan at kapanapanabik na mga istilo sa pakikipaglaban.

| DRAGON BALL: Sparking! ZERO dream team: Ang pinakamalakas na 5-man roster para maghari sa multiverse |
Binuo ng Spike Chunsoft at inilathala ng Bandai Namco Entertainment, inilabas ang DRAGON BALL: Sparking! ZERO noong Oktubre 11, 2024. Maaari mo itong malaro sa PlayStation 5, Xbox Series X|S, at PC, at bilhin sa website ng Bandai Namco.
Disclaimer: Ang mga karakter sa artikulong ito ay pinili batay sa personal na karanasan at opinyon ng may-akda habang naglalaro ng DRAGON BALL: Sparking! ZERO.
Lahat ng bagong karakter sa DRAGON BALL: Sparking! ZERO
- Goku (Super)
- Goku (Z – Mid), Super Saiyan
- Goku (Super), Super Saiyan God
- Goku (Super), Super Saiyan God Super Saiyan
- Goku (Super), Ultra Instinct -Sign-
- Goku (Super), Ultra Instinct
- Vegeta (Super)
- Vegeta (Super), Super Saiyan
- Vegeta (Super), Super Saiyan God
- Vegeta (Super), Super Saiyan God Super Saiyan
- Future Trunks
- Future Trunks, Super Saiyan
- Goku Black
- Goku Black, Super Saiyan Rosé
- Beerus
- Whis
- Zamasu
- Fused Zamasu
- Fused Zamasu, Half-Corrupted
- Gogeta (Super), Super Saiyan
- Gogeta (Super), Super Saiyan God Super Saiyan
- Frieza (Super)
- Golden Frieza
- Broly (Super)
- Broly (Super), Super Saiyan
- Super Saiyan Broly (Full Power)
- Hit
- Gogeta (Super)
- Vegito, Super Saiyan God Super Saiyan
- Frost
- Cabba
- Cabba, Super Saiyan
- Cabba, Super Saiyan 2
- Caulifla
- Caulifla, Super Saiyan 2
- Kale
- Super Saiyan Kale (Berserk)
- Kale, Super Saiyan
- Kefla
- Kefla, Super Saiyan
- Kefla, Super Saiyan 2
- Jiren
- Jiren, Full Power
- Toppo
- Toppo, God of Destruction
- Dyspo
- Ribrianne
- Bergamo
- Kakunsa
- Roasie
- Anilaza
- Gamma 1
- Gamma 2
Ang top 5 na bagong karakter sa DRAGON BALL: Sparking! ZERO character na dapat mong subukan
Ang roster ng laro ay may higit pa sa sapat na mga karakter para paikutin ang iyong ulo, ngunit lima sa mga ito ang tunay na namumukod-tangi dahil sa kanilang napakalakas na antas ng kapangyarihan at mga malulupit na kakayahan. Tingnan natin kung ano ang mga dahilan kung bakit sila napakaespesyal.
1. Broly (Z), Legendary Super Saiyan

Bilang isang Legendary Super Saiyan, patuloy na ipinamumuhay ni Broly ang kanyang reputasyon bilang isa sa mga pinakanakakatakot na mandirigma sa uniberso ng Dragon Ball Z.
Ang paggamit kay Broly sa DRAGON BALL: Sparking! Zero ay isang karanasan ng purong kapangyarihan. Ang kanyang mga pag-atake ay mabibigat, at ang kanyang mga galaw sa pakikipagbuno ay may lakas na nakakadurog ng buto. Ang Gigantic Meteor at Omega Blaster ay mga signature move na biswal at pisikal na talagang nangingibabaw.
Ang tunay na nagpapatingkad sa bersyong ito ni Broly ay ang kanyang Super Explosive Wave—isang pag-atake na may napakalawak na saklaw. Ito ay halos garantisadong kumonekta kapag ginagamit ito at kadalasang nag-aalis ng higit sa isang health bar.
Binibigyang-diin ni Broly ang kanyang “uhaw sa labanan” ng kanyang Z bersyon sa DRAGON BALL: Sparking! Zero, na may pagnanais na sirain ang lahat sa kanyang landas gamit ang kanyang hindi mapigilang galit.
Ang bagong Broly ay mukhang mas pulido, na may pinahusay na mga animation na tunay na sinasalamin ang kanyang natural na kapangyarihan. Para sa mga tagahanga ng matinding lakas at dominasyon, si Broly ay nananatiling isa sa mga karakter na magandang i-master.
2. Cabba, Super Saiyan 2

Si Cabba ay isa sa mga bagong Saiyan na ipinakilala sa Dragon Ball Super, at ang kanyang pagsali sa Budokai Tenkaichi series ay nagpapatibay sa nakakatakot na Saiyan roster.
Bilang isang mag-aaral ni Vegeta, iba ang dinadala ni Cabba sa laban, na nagpapakita ng impluwensya ng kanyang tagapagturo. Ang kanyang Super Saiyan 2 ay nagpapamalas ng kumbinasyon ng liksi, pagiging asintado, at taktikal na kahusayan, na nagbibigay ng mabilis ngunit kontroladong istilo sa pakikipaglaban.
Isa sa mga magagandang katangian ni Cabba sa DRAGON BALL: Sparking Zero ay ang kakayahang mag-power down at lumipat sa kanyang iba’t ibang anyo, na hinahayaan ang mga manlalaro na gumawa ng iba’t ibang galaw at combo.
Ang Galick Cannon ni Cabba ay sumasalamin sa kanyang koneksyon kay Vegeta at nagdadagdag ng elemento ng kapangyarihan na nagpapakita ng kanyang mas pinong diskarte sa pakikipaglaban.
Kung nasisiyahan ka sa isang balanseng mandirigma na mahusay sa parehong malapitang atake at mabilis na pag-iwas, si Cabba ay isang mahusay na karakter, lalo na para sa mga gustong magkabisado ang maraming combo.
3. Toppo

Bilang isa sa mga bagong karakter sa Budokai Tenkaichi, si Toppo ay isang ganap na powerhouse sa kanyang God of Destruction na anyo. Sa una, si Toppo ay may mga limitasyon sa kanyang normal na estado, ngunit sa sandaling lumipat siya sa God of Destruction, siya ay nagiging isang puwersa na dapat bantayan.
Ang paggamit kay Toppo ay tila pagkontrol sa isang karakter na binuo para sa lubos na pagkawasak. Ang kanyang karunungan sa enerhiya ng Hakai ay nagdudulot ng kakaibang dinamiko sa laro, na nagbibigay-daan sa mga manlalaro na magpakawala ng mapangwasak na kapangyarihan.
Pinagsasama ng istilo ni Toppo ang natural na lakas at hindi kapani-paniwalang tibay. Ang kanyang kakayahang mag-tank ng mga hit habang naglpapakawala ng napakalaking pinsala ay ginagawa siyang angkop para sa mga manlalaro na gustong kontrolin ang daloy ng laban.
Ang kanyang Justice Flash at Hakai abilities ay ilan sa mga pinakanakakamangha at makapangyarihang galaw. Magugustuhan ng mga tagahanga ang kanyang mga super, na perpektong nagpapakita ng kanyang lakas. Si Toppo ay dapat subukan ng mga manlalaro na gusto ang mapanirang kapangyarihan at mga taktikang pangdepensa.
4. Super Gogeta (Z)

Si Super Gogeta, ang pagsasanib nila Goku at Vegeta, ay hindi kakaiba sa mga laro ng Dragon Ball, ngunit ang kanyang pagsali sa DRAGON BALL: Sparking! Zero ay kapana-panabik pa rin.
Ang bilis at mapangwasak na mga combo ni Gogeta ang dahilang kung bakit isa siya sa mga pinakamakapangyarihang karakter sa laro. Ang kakayaha niyang i-chain ang kanyang mga atake nang walang putol, kasama pa ang kanyang signature ability na Stardust Breaker, ay swak para sa mga tagahanga ng mabilis na labanan.
Nabigyan si Gogeta ng ilan sa mga pinakamahusay na super sa DRAGON BALL: Sparking! Zero, at dahil dito nangingibabaw siya sa napakalaking roster ng mga karakter. Magugustuhan din ng Dragon Ball Super Broly movie fans ang Meteor Explosion ni Super Saiyan 4 Gogeta.
Fan ka man ng mga malulupit na finisher o nasisiyahan sa agresibong gameplay, ang kumbinasyon ng matinding bilis at lakas ni Gogeta ay siguradong nagpapaangat sa kanya.
5. Jiren

Si Jiren, ang pride ng Universe 11 at isang fan-favorite mula sa Dragon Ball Super, ay isa pang malakas na bagong karakter sa Budokai Tenkaichi series. Kilala sa kanyang lakas at halos walang patid na kalooban, ang istilo ng pakikipaglaban ni Jiren sa DRAGON BALL: Sparking! Zero ay tungkol sa purong puwersa.
Bilang Jiren, ramdam ko ang matinding kapangyarihan sa bawat pag-atake–ang bawat galaw ay mabigat at mapaminsala.
Talaga namang isa si Jiren sa pinakamalakas na karakter sa laro. Pinagsasama niya ang hindi kapani-paniwalang bilis at mapangwasak na damage.
Malamang na isa siya sa pinakamabilis na karakter, na nagpapahintulot sa kanya na dominahin ang malapitan o malayuan mang labanan. Lalong pinapalakas ng kanyang Full Power na anyo ito, kaya naman halos hindi siya mapigilan.
Maaari pa ngang mag-stack si Jiren ng hanggang limang magkakaibang power buff nang sabay-sabay, isa pang dahilan para ituring siya bilang isa sa pinakamalakas na karakter. Para sa mga manlalarong mahilig durugin ang kanilang mga kalaban gamit ang purong lakas, si Jiren ay talagang dapat subukan.
BASAHIN: Maligaw sa NeverAwake, isang bangungot na gugustuhin mong maranasan