Sa NeverAwake review na ‘to, titignan natin ang kakaibang twin-stick shooter game na dinadala ang mga players sa mga bangungot ng isang babae.

Inilabas noong Septyembre 28, 2022 ng developer na Neotro Inc. at pinublish ng Phoenixx Inc., available ang laro na ito sa iba’t-ibang platforms, tulad ng Steam, PlayStation 4 at 5, Nintendo Switch, at Xbox Series X.

NeverAwake review: Isang bangungot na siguradong ma-eenjoy mo

Gaming NeverAwake
Credit: Neotro Inc.

Kung gagamit ako ng isang salita para ilarawan ang aking karanasan sa paglalaro ng NeverAwake, sasabihin kong presko ito.

Kaya mong ma-kontrol ang bidang si Rem sa kaniyang pagharap sa iba’t-ibang klaseng kalaban, mula sa mga gulay hanggang sa dentist at mga kaibigan. Ang mga halimaw na ito ay simbolo ng kaniyang mga kinakatakutan.

Sa pagpasok sa NeverAwake, hindi ako sigurado kung anong mapapala ko. In-assume ko na magiging isang konbensyonal itong shoot ‘em up na may kaunting jump scares.

Gaming NeverAwake
Credit: Neotro Inc.

Sa kabila ng tipikal na twin-stick shooter, naranasan ko ang isang laro na kailangan ng stategic thinking at naghahatid ng higit pa sa mindless shooting. Hindi siya tungkol sa pagpatay ng kalaban. Ito ay tungkol sa pagpili ng tamang special attacks at acessories sa bawat stage.

Sa NeverAwake, ang misyon mo ay I-kompronta ang mga halimaw na nagmumula sa araw-araw na buhay ni Rem. Ang mga nakakakilabot at malikhaing mga graphics, pati na rin ang malupet na animations, ay naghahatid ng buhay sa laro.

Ang bawat stage ay puno ng mga nakakatakot na halimaw. Ang layunin mo ay kumolekta ng souls at makakuha ng 100% competition rate para matapos ang stage na ‘yon. Kung makulangan ka ng souls, uulit ang stage para mabigyan ka ng pangalawang pagkakataon para mapatumba ang mga kalaban na hindi mo napatay sa unang beses.

Nagbibigay ang laro ng mga rewards tulad ng soul points sa bawat stage, na maaring gamitin para mag-upgrade at customize ng kanilang character.

Ang decision-making na aspeto ay nagdaragdag ng mahalagang replay value dahil walang isang solusyon para sa lahat. Kailangan mong ibahin ang mga pagsubok sa bawat stage, kaya naman presko ang paglalaro nito.

Gaming NeverAwake
Credit: Neotro Inc.

Sa biswal naman, isang gawa ng sining ang NeverAwake. Mula sa mga kakaibang kalaban tulad ng mga demonyo patungo sa mga baliw na guard dogs, talagang hindi malilimutan ang biswal ng larong ito.

Hinati ang laro sa pitong mundo, at bawat mundo ay nagrerepresenta ng isang traumatic na karanasan. Magsasama-sama ang mga karanasan na ito para bumuo ng isang matinding naratibo na gaya ng totoong buhay.

Bagay na bagay ang soundtrack sa laro, para ma-set ang mood nang hindi masyadong sinasakop ito.

Isang kapansin-pansing aspeto ng NeverAwake ay ang haba nito – naghahatid ito ng napakaraming content. Kahit na isang hapon lang natapos ng manunulat ang story mode (mga apat hanggang limang oras), marami pang mga bonus stage at challenge na nag-eextend sa gameplay.

Gaming NeverAwake
Credit: Neotro Inc.

Para sa mga mahilig sa hyper-competitive games, kakaiba ang NeverAwake para sa’yo. Isa siyang laro na magbibigay ng pagsubok na kailangan ng mabilisang pag-iisip, habang ibinigay na sa’yo ang oras at gamit na kailangan mo para makatakas sa bangungot na iyon.

Kung isa kang fan ng genre o naghahanap lang ng laro na hindi tulad ng mga shoot ‘em up titles, isang must-play ang NeverAwake.

Available sa Steam ang NeverAwake sa halagang US$19.99 na may 9/10 rating. Available rin ang game sa digital sa halagang US$24.99 sa Nintendo Switch, PlayStation 4 at 5, at Xbox Series X.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa gaming at esports.

BASAHIN: Maganda ba ang gaming laptop para sa school? Ito ang mga kailangan mong tingnan