Malayo na ang narating ng mga gaming laptops. Mahalagang mga pagsulong ang naisagawa sa mobile gaming technology, kung saan hindi lamang may kakayahan ang mga gaming laptops, ngunit mas abot-kaya na rin ito.

Ngunit ang tanong: maganda ba ang gaming laptop para sa school? Kung nag-aaral ka pa, o kailangan mo ng portable machine para mag-aral sa mga study spots mo, ang isang laptop na walang kakayahan ay maaring maging rason para hindi ka makapag-pahinga.

Bumuo kami ng mga importanteng factors na dapat mong isipin kung bibili ka ng isang gaming laptop.

Maganda ba ang gaming laptop para sa school? Anong specs ang dapat mong hanapin

Pagdating sa specifications, depende talaga ito sa kung anong klaseng mga games ang nilalaro mo. Ang mga esports titles tulad ng Valorant, Dota 2, at Rocket League ay hindi nangangailangan ng matinding horsepower para tumakbo sa mataas na frame rate.

Gaming laptop HP Victus
Credit: HP

REKOMENDASYON PARA SA ESPORTS TITLES: HP Victus 15

Kung ang hilig mo ay mga mas mabibigat na laro tulad ng Cyberpunk at Starfield at nais mong maglaro sa high-quality settings, dapat mas high-end models na may RTX 4070s at pataas ang hanapin mo.

Tandaan, kung mas mataas ang specs, mas mabigat ang magiging tsasis, at magiging mas maikli ang battery life nito.

Gaming laptop Lenovo Legion Pro 7i
Credit: Lenovo
REKOMENDASYON PARA SA AAA TITLES: Lenovo Legion Pro 7i 

Kilala bilang mabigat sa pitaka ang mga gaming laptop, at ang mga high-end models ay umaabot ng US$4,500 pataas, kaya importanteng alam mo ang mga kailangan mo para sa mga games na gusto mong laruin.

Ang bigat, ingay, at specifications ang susi sa pagalam ng perpektong gaming laptop na gagamitin mo sa eskwelahan. Kung payag ka sa lower-end model, hindi gaanong iiyak ang pitaka mo.

Gaming laptop MSI Titan G GT77
Credit: MSI
KUNG HINDI PROBLEMA ANG PRESYO: MSI Titan GT77

Study-life balance – lalo na pagdating sa bigat ng laptop mo  

Lahat ay dapat ibalanse, at ganoon na rin dapat pagdating sa bigat ng laptop mo. Kung palipat-lipat ka ng silid-aralan, ang pag-bitbit ng isang 17-inch na halos pitong pounds ay hindi magiging komportable para sa’yo.  

Ngunit ang pagbili ng mas magaan na laptop ay mayroon ding mga disadvantage, tulad ng mas maingay na tunog, dahil mas mahihirapan ang tsasis sa pagtanggal ng init dahil sa kaniyang mas maliit na sukat. Maaring maging limitado rin ang graphical horsepower nito.  

Nakahanap kami ng mga laptop na nasa pagitan ng 4 hanggang 5.5 pounds na may magandang balanse ng portability, performance, at build quality.  

Gaming laptop ASUS ROG Zephyrus
Credit: ASUS
ANG AMING REKOMENDASYON: ASUS ROG Zephyrus G14 

Dapat hindi maingay ang laptop mo  

Kilala ang mga gaming laptop bilang maiingay na makina. Sa tuwing gumagana ang mga demanding na tasks at charging, may posibilidad na mas mabigat ang takbo ng mga fans, kaya naman mas maingay ang magiging tunog nito. Hindi mo naman gustong pumasok sa isang klase na parang may dalang jet engine sa bag mo.  

Buti na lang, ang karamihan sa mga manufacturers ay naghahatid sa’yo ng abilidad na pumili ng performance at fan profiles para maiwasan ang ingay. Kung hindi ka naman naglalaro ng games o gumagawa ng mabibigat na tasks tulad ng video rendering, maari mong I-set ang fan profiles mo sa silent, para mabawasan ng sistema ang resources na ginagamit nito para maging mas malamig at tahimik ang laptop mo.  

May kasama na rin itong dagdag na benefit tulad ng pagpahaba ng battery life; ngunit babala—hindi kilala ang mga gaming laptop sa pagkakaroon ng mahabang battery life.  

Tingin namin na kapag nalaman mo na ang mga kailangan mo, magiging perpektong katambal ang gaming laptop para sa pag-aaral mo. Hindi mo lamang ito magagamit para sa school, ngunit maari mo ring ma-enjoy ang mga paborito mong laro.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang tips at tricks pagdating sa gaming.

Ang ibang links ay mga ONE Esports affiliate links. Ibig sabihin ay kapag pinindot mo ang mga ito at bumili ka, may matatanggap kaming kaunting komisyon. Wala itong additional na gastos sa’yo. Paraan ito para mapatakbo namin ang aming site at makapagbigay ng mahalagang content para sa’yo. Salamat sa iyong suporta!  

BASAHIN: Party Animals review: Subukan ang cute at nakaaliw na party game na ito