Party Animals – sumali para sa mga cute na hayop, at manatili para sa party.

Ang laro na hinatid ng Recreate Games ay hinahayaan kang makontrol ang hayop na gusto mo na mukhang mascot costume contestant kung saan pipili ka sa tatlong game modes nito: Last Stand, Team Score, at Arcade, sa malawak na listahan ng mapa.



Party Animals gameplay: Magulong nakakaaliw

Babala! Ang ragdoll physics ng laro! Isa itong malaking parte sa experience ng laro, ngunit kahit papaano, nakakatuwa ito. Hindi ka mawawalan ng kontrol sa character mo, at pwede mo siyang pasipain, paakyatin, at pabatuhin ng mga gamit ala WWE.

Para sa mga game modes, ang Last Stand ay lalaruin hanggang sa ikaw na lamang ang mananatili, ang Team Score ay tungkol sa pakikipag-karera sa pag score ng points, at ang Arcade naman ay isang team deathmatch na may nakalaan na dami ng buhay bawat team.

Para sa amin, ang pinaka-naiibang mapa ay makikita sa Team Score – naglaro kami sa iba’t-ibang mapa, kasali na dito ang pagbato ng candy sa isang butas sa sahig, ang pagpa-andar ng tren sa pamamagitan ng paghukay ng uling, at paglalaro ng old-school arcade game na kung saan ang lahat ay nakikipagtalo para sa machine.

Habang kakaiba ang bawat game modes, ang mga biolenteng players ay natuwa sa kanilang solid na stratehiya na pagsuntok (LOL!).



Ang naiiba ay ang iba’t-ibang weapons ng laro. Ang pag-hampas ng mabigat na martilyo ay may ibang epekto kumpara sa pana, at ang boomerang ay mas makakapag-patumba saiyo kumpara sa kalaban mo.

Maaring magalit ka sa kaguluhan ng laro, ngunit makikita mo ang sarili mo bilang isang pusa na may umaalog na kamay at paa, at matatawa ka nalang.



Ang cast ng mga characters ng Party Animals ang isa sa pinakamagandang aspeto ng overall experiene ng laro. Mula sa masungit na pusa hanggang sa corgi, may kanya-kanyang personalidad ang mga characters. Maari mo ring lagyan ng sarili mong personalidad ang mga characters mo, ngunit sana ay mas mayroon kang abilidad ma-customize ang character mula sa top, bottom, at accessories.

Maaring hindi man ito laruin nang matagalan, isang solid party game ang Party Animals para sa mga taong gustong tanggapin ang kaguluhan habang tumatawa.



Maaring laruin ang Party Animals sa PC, Xbox Series S|X, at Xbox Game Pass.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa gaming at esports.

BASAHIN: Subukan ang 3 must-play One Piece games na ito para sa bawat mugiwara