Siguradong maligaya nanaman ang Silvanna amins dahil sa Queen Frost Silvanna, ang pinakabagong grand collector skin sa Mobile Legends: Bang Bang. Ito ang pang-apat na skin ng Imperial Knightess pagkatapos ng Hallowed Lance, Midnight Justice at Pure Heroine.

Malaking upgrade ito mula sa kaniyang tipikal na pole arm warrior look. Ngayon, rarampa na sa laban ang Silvanna na wangis ang isang ice queen.

Hindi lamang sa histura iniba ng upgrade na ito ang hero dahil pati ang mga skill effects niya at basic attacks ay swabe sa paningin.


Preview ng Queen Frost Silvanna at mga skill effects nito

Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Sa bagong labas na Queen Frost Silvanna grand collector skin, pinakaunang mapapansin ang puting buhok ni Silvanna na mas pinarikit pa ng iba’t-ibang shades ng blue, malayo kung ikumpara sa dating simpleng blonde na buhok ng Moniyan princess.

Bago rin ang outfit ng hero na suot ang cobalt blue vest na naka-layer sa taas ng long-sleeve na blouse na pinalamutian pa ng azure para sumaliw ng maigi sa winter na tema.

Nagniningning na rin ngayon ang lance na pangunahin niyang sandata, dala ng sapphire crystal na nasa kabisera nito. Ang pauldron niya na isa sa pangunahing features sa kaniyang skins ay binigyan din ng dramatikong pagbabago. Nakapalibot na icicles kaparis ng kaniyang lance ang makikitang suot ng mage/fighter.


Bagong skill effects ng Queen Frost Silvanna

Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Makikita ang makabagong marka na napupunta sa kalaban kapag gumagana ang passive ni Silvanna na Knightess Resolve. Imbis na wing-like symbols ang mapapansin, korona na ang marks na mapupunta sa kalaban gamit ang bagong grand collector skin.

Ang second skill naman niya na Spiral Strangling ay mas pinaswabe din dahil sa astig na icy eagle katuwang ng snowflake designs na lumalabas kapag in-activate ito.

Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Ngunit ang pinakamaangas na skill effect ay makikita sa kaniyang ultimate na Imperial Justice. Kapag ginamit ng  Queen Frost Silvanna ang skill na ito sa isang area, sasabayan siya ng isang sparkly arctic ice bird na mistulang nagmamarka ng katapusan ng inhustisya sa mundo. Kasabay pa nito, mamumukadkad ang snowflake effect sa area kung saan tumama ang skill.

Panoorin ang full skin trailer dito:

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa MLBB.

BASAHIN: Nagbabalik ang Diggie sa meta matapos ang buffs na ibinigay sa kaniya sa MLBB patch 1.6.58