Nagbabalik na ang Diggie sa meta ng Mobile Legends: Bang Bang.

Karugtong ito ng mga ibinigay sa adustments sa hero sa kagugulong lamang na MLBB ptch 1.6.58. Bagamat kakaunting heroes lamang ang nabigyan ng adjustments sa nasabing update ay Diggie ang nakatanggap ng pinakamaraming pagbabago kasabay ng pagsisikap na ibalik ang Timekeeper sa rotation.

Higit pa sa pagpapaganda ng kaniyang mga attributes, malaking revamp ang natanggap ng skills ng Timekeeper na siguradong magbubunsod ng pagbabago sa kung paano siya gamitin sa ranked games at pati na rin sa competitive play.

Alamin kung bakit posible na ulit gamitin si Diggie sa meta matapos ang MLBB patch 1.6.58.


Magbabalik na ang Diggie sa Meta dahil sa mga pagbabagong ito

Credit: Moonton

Attribute

  • Tinaasan ang base HP mula 2351 papuntang 2468
  • Tinaasan ang base Physical Defense mula 16 papuntang 20

Skill 1 – Auto Alarm Bomb

  • Binawasan ang base damage mula 500-800 papuntang 500-600
  • Binawasan ang Magic Power Bonus mula 120% papuntang 100% na lamang
  • Hindi na ito lalapit papunta sa target at mababawasan ang cooldown
  • Bahagyang babawasan ang activation delay
  • Bagong Effect: Magkakaroon ng 2 stacks ng Dangerous Sparks si Diggie kapag nakatama ang kaniyang owl alarm ng kalaban. Bawat stack nito ay magdadagdag ng skill damage ng 1% hanggang 60 stacks. Mababawasan ang kalahati ang stacks kapag namatay si Diggie ngunit madadagdagan naman ng 1 stack kapag nakatama siya ng kalaban sa kaniyang egg form.

Ultimate – Time Journey

  • Tinaasan ang Shield mula 400-700 papuntang 600-900

Gaano na kalakas ang Timekeeper ngayon?

Credit: Moonton

Mas mahirap na ngayong patumbahin ang Diggie kumpara dati dahil sa karagdagang HP at physical defense na mayroon siya pagkatapos ng patch.

Para naman sa kaniyang Auto Alarm Bomb, bumaba ang base damage at magic power nito. Tunog nerf man ito sa papel ay binabawi naman ito ng bagong passive niya kung saan tataas ang damage ng mga bomba hanggang 60% sa bawat tama nito sa kalabang heroes.

Ngunit ang pangunahing rason kung bakit malalaro na ulit si Diggie sa meta ay ang pagbabago sa kaniyang ultimate na Time Journey. Mas mataas na ang shield ng skill na primerang ginagamit para sumagip ng kakampi sa isang area ng mapa.

Hindi man mataas ang tiyansang makakuha ng kills sa mga malalambot na heroes gamit ang kaniyang mga bomba, mas malakas na ang kaniyang supporting ability. Inaasahan na magbabalik ang Diggie sa meta bilang hard support.

Mas mapapansin ito sa bagong mechanic na mayroon ang hero kung saan mababawasan ng kalahati ang damage na naipon niya kapag siya ay namatay. Kaya naman siguradong magdadalawang-isip ang sinumang susubok sa feeding Diggie strategy na sikat noon sa competitive at ranked games.

Para sa mga balita tungkol sa Mobile Legends, sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: 3 importanteng hero changes sa MLBB patch 1.6.58