Dumating na ang pinakabagong gameplay update sa Mobile Legends: Bang Bang, ang MLBB patch 1.6.58 na may dalang mga mahahalagang pagbabago sa ilang heroes sa Land of Dawn.

Bukod sa bagong marksman hero na si Melissa, bitbit din ng MLBB patch 1.6.58 ang buffs at nerfs sa mga hero na patok sa ranked games maging sa competitive scene.


Importanteng hero changes sa MLBB patch 1.6.58

Diggie

Credit: Moonton

Natanggap ni Diggie ang pinakamalaking buff sa bagong MLBB patch 1.6.58 kung saan pinataas ang kanyang sustainability at pinalakas ang kanyang Auto Alarm Bomb (Skill 1).

Pinataas ang kanyang base HP mula 2351 patungong 2468 at maging ang base physical defense niya ay dinagdagan mula 16 patungong 20, kaya naman mas lalo na siyang annoying bilang roamer sa early game. Dagdag pa sa mga basic defense buffs na ‘to ang pinalaking shield galing sa kanyang ultimate na Time Journey, mula sa 400-700 papuntang sa 600-900.

Ilang pagbabago naman ang ginawa sa kanyang first skill na Auto Alarm Bomb. Bagamat pinahina ang base damage (500-800 > 500-600) at magic power bonus (120% > 100%) nito, wala na itong charges ngayon at binawasan ang cooldown maging ang activation delay nang kaunti.

Mayroon na rin itong bagong effect na Dangerous Sparks. Sa bawat bomba na tumatama sa enemy hero, nakakakuha si Diggie ng 2 stacks ng Dangerous Sparks at bawat stack ay pinapataas ang damage ng kanyang bomba nang 1%. Hanggang 60 stacks ang pwede maipon kaya naman pwedeng magkaroon ng hanggang 60% damage increase ang kanyang first skill. Kalahati ng stacks ang nawawala ‘pag namatay siya, pero kaya pa rin niyang makakuha ng stacks kahit nasa egg form.

Dahil sa mga pagbabagong ito, maghanda na kayo sa mas nakakaasar na Diggie ngayong MLBB patch 1.6.58.


Gloo

Credit: Moonton

Kapansin-pansin ang angking lakas ni Gloo sa kasalukuyang meta. Sa katunayan, sa unang linggo ng MPL Philippines Season 9 kung saan popular siya sa mga EXP laner, naitala ni Gloo ang pinakamataas na win rate na 80% sa limang laro, kapantay nila Esmeralda at Phoveus. Siya rin ang most banned hero (10 bans) sa liga.

Kaya hindi na nakakapagtaka na hinampas siya ng nerf hammer sa MLBB patch 1.6.58.

Binawasan ang kanyang natural na kunat sa pamamagitan ng pagpapababa ng damage reduction per Sticky stack na nakukuha niya sa kanyang passive na Stick, Stick, mula 10% patungong 8%.

Pinahina rin ang kanyang first at second skill para mas makasabay ang makakatapat niya sa lane. Pinababa ang base damage ng Slam, Slam mula 300-450 patungong 260-360 maging ang explosion damage nito mula 270-420 papuntang 220-320. Binawasan din ang base damage ng Pass, Pass mula 325-400 patungong 250-300.


Harith

Credit: Moonton

Isa sa mga paborito ng gold laners si Harith, ngunit tila lumamlam ang kanyang kasikatan nang dumating ang “marksman meta” dala ng Project NEXT 2021. Pero dahil sa MLBB patch 1.6.58, may tsansa na kahit papaano na magbalik ang popularidad ni Time Traveler.

Sa kakarating lang na patch, pinalakas ang kanyang first skill na Synchro Fission upang mapataas ang kanyang damage sa early to mid game. Mula sa 510-810 explosion damage nito, ginawa itong 540-940.

Dahil dito, mas malakas na ang wave clear potential ni Harith na mahalaga para mabilis na malimas ang minions sa laning stage at sa tower defense pagdating ng mid to late game.


May mga pagbabago ring ginawa kila Yin, Silvanna, Karrie, Valentina, Edith at Nana kasabay ang ilang battlefield adjustments sa MLBB patch 1.6.58. Para sa kabuuang patch notes, maaari niyo itong mabasa sa mismong Mobile Legends: Bang Bang app. Magpunta lang sa Mail at pindutin ang Important Notice tab.

Maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa MLBB guides, highlights at features.