Dahil sa nakakabahalang pagtaas ng COVID cases dahil sa Omicron variant, ipagpapaliban muna ang pagdaraos ng Genesis 8. Kabilang sa mga pangunahing alalahanin ng mga organizers bukod sa kaligtasan ng mga participants ay ang aktwal na operation ng nasabing event.

Matapos himukin ang mga attendees at competitors na magsuot ng mask at magpabakuna, nagdesisyon ang Genesis 8 na ipagpaliban ang isa sa pinakamalaking Super Smash Bros. tournament na nakatakdang magbalik mula sa isang taong pamamahinga sa January 28 hanggang 30. Ang bagong petsa ng event ay April 15 hanggang 17 sa parehong venue, ang SJ McEnery Convention Center sa San Jose, California.

“We know this feels abrupt and very close to the event date, but the conditions that necessitated this decision were just as abrupt,” ayon sa tournament organizers sa kanilang opisyal na pahayag. “We have taken everything into consideration and made what we believe is the best decision possible for the safety of our attendees, staff, and the quality of the event itself given the circumstances and the timeline.” 

“Besides safety, we’d also be risking the event not being able to actually function,” Dagdag pa ng Genesis 8 staff. “With our current staff and volunteer numbers, we’re unsure that we would even be able to finish the tournament on time, which would cost us in overages that we simply cannot afford, not to mention the enormous detriment to player experience. Several key staff members have dropped out over entirely understandable safety concerns that we really cannot solve.”

Super Smash Bros Genesis 8
Credit: Genesis

Halos kalahati sa kanilang mga vendors ay umatras na at nakakatanggap ang mga tournament organizers ng refund request mula sa mga attendees halos araw-araw. Malalagay sa alanganin ang organisayon at posibleng hindi na masundan ang event kung itutuloy pa ito sa orihinal na petsa.

Marami sa mga players ang nalungkot at nadismaya sa sitwasyon sa kadahilanang nakapag-book na sila ng kani-kanilang mga flights. Nagbigay naman ang Genesis 8 ng link para sa mga nagtatanong tungkol sa registration, hotel, at travel refunds.

Sa kabilang banda, maaaring makabuti din ang pagpapaliban ng Genesis 8 dahil ilang players na rin ang nagpahayag ng hindi pagdalo dahil sa kasalukuyang sitwasyon. Kung magiging mas mabuti ang lagay ng pandemya sa darating na April, posibleng mas tumaas ang bilang ng mga dadalo kumpara sa kung itutuloy nila ang event ngayong buwan.

Para sa iba pang balitang gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.