Inilabas lamang noong nakaraang taon ang open-world anime game ng MiHoYo na Genshin Impact, ngunit nag-break na ito ng maraming records.
Itinatayang nasa US$3 billion ang kinita ng laro sa unang taon ng pagkakalabas nito. Ito ngayon ang humahawak ng record bilang highest-earning video game pagdating sa first-year revenue.
Genshin Impact nangunguna sa listahan dahil sa billion-dollar revenue

Nangunguna ang Genshin Impact hindi lang sa gacha market, kundi pati na rin sa kabuuan ng video game market na may humigit-kumulang US$3 billion na kita.
Nahigitan na ngayon ng Genshin Impact ang first-year revenue ng Fortnite, na kumita ng tinatayang nasa US2.8 billion, at Grand Theft Auto V na may US$2.1 billion.
Ang malaking bahagi ng first-year revenue ng Genshin ay nagmula sa mobile, na may combined generated revenue na US$2 billion mula sa iOS App Store at Google Play Store, ayon sa report ng Sensor Tower.
Tandaan na ang US$3 billion figure ng Genshin ay tantya lamang, ngunit mukhang malapit ito sa aktwal na halaga base sa data na available ayon sa data collector na si blaze_nijima. Wala pang inilalabas na official data ang MiHoYo patungkol sa kanilang revenue o profit.
Kung babalikan natin, maaalala na nagkaroon ng matagumpay na launch ang game noong September 2020. Ang Genshin ay nakaipon ng US$250 million sa loob lamang ng isang buwan, kung kaya’t isa ito sa mga pinakamalaking mobile game launch sa kasaysayan.
Ang kita ng Genshin Impact

Maraming mgha characters ang naging kasangkapan upang maging billion-dollar game ang Genshin Impact, kabilang na sina Klee, Zhongli, at ang Raiden Shogun.
Syempre, may ilang mga sikat na personalidad din ang nag-ambag sa kita ng game, kabilang na ang League of Legends pro player na si Cho “BeryL” Geon-hee. Gumastos si BeryL ng nasa US$6,860 (KRW7.7M) noong gabing mapanalunan nya ang Worlds 2020 championship title.
Pamilyar din ang community sa mga YouTubers at content creators tulad nina Michael “Mtashed” Tash at Tectone, na gumastos din ng malaki sa mga character wishes.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.