Nakita mo na ang body build ni Zoro, ang waistline nina Nami at Robin, at ang abs ni Monkey D. Luffy. Ngayon, pagkakataon mo na parang maging fit tulad ng mga paborito mong anime characters sa bagong bukas na One Piece gym.

Makikita sa Shibuya, Tokyo, Japan, ang BragMen ang kauna-unahang fitness gym na inspired sa best-selling manga serye ni Eiichiro Oda na One Piece.

Kakaiba ang gym na ito dahil sa kaniyang décor at mga detalye na ang mga tunay na anime fans lang ang makakaintindi.



Bukas na ang bagong One Piece gym sa Japan at handa na para gawin kang pinakamalakas na pirata 

Sa pagpasok mo sa One Piece gym, tila’y dinala ka sa loob ng isang pirate ship, kumpleto sa crates, barrels, at higanteng chains. Ang sahig ay dinisenyong may compass rose, isang must-have para sa mga navigators ng Grand Line.

May mga espesyal na gamit ang fitness gym na ‘to na may mga halintulad sa anime. Sobrang nagstuhan namin ang barbell na dinisenyo ayon sa paboritong pagkain ni Luffy, ang karneng nasa buto.

Anime One Piece gym
Credit: Toei Animation, BragMen

Isang haligi ng One Piece gym ay isang higanteng itim-at-pulang kamay, isang reperensiya sa Gear 4 Haki technique ni Luffy, ang kaniyang pinakamalakas na form sa serye.

Puro character illustrations ang mga pader na may dinsenyo mula sa anime para ma-udyok ang mga taga-gym na tapusin ang kanilang workout sets at routine.

Pwede ka ring mag-enroll sa mga training program ng One Piece gym. Mayroong mga programs na kayang palabasin ang inner pirate mo sa pamamagitan ng high-intensity interval training (HIIT). 

Tutulungan ka ng Yonko training program para makuha ang katawan ni Shanks na ninanais mo. Sa programang ito, kailangang magsuot ng mga trainees ng mabibigat na vest na umaabot ng 20 kilograms. May logo ng Red Hair Pirates ang mga vests, isang kinakatakutang simbolo sa One Piece universe.

Pinangalan ang programa sa Yonko (Four Emperors), kaya asahan ng mga fans na madaragdagan pa ang mga training programs na inspired sa tatlong orihinal na Emperors – Whitebeard, Kaidou, at Big Mom.

Mayroon ding mga studio fitness training programs na isinasagawa sa mga grupo.

Maari kang pumili sa Alabasta Belly Dance, Navy Pilates, Pirate Yoga, at UNBOUND na mga programa. Ang UNBOUND ay isang HIIT na nagpapalakas ng cardiorespiratory function at core at lower limb mo para makuha mo na ang Gear 4 form mo.


Lokasyon ng One Piece gym at operating hours nito 

Nasa pang-siyam na floor ang One Piece gym sa Shibuya Modi, isang shopping mall sa Jinnan district sa Shibuya, Japan. Ito ang kaniyang operating hours:

MGA ARAW ORAS 
Weekdays 6:30 a.m. to 11:30 p.m. JST 
Sabado8 a.m. to 7 p.m. JST 
Linggo at mga holiday8 a.m. to 6 p.m. JST 

Kailangan mo maging isang registered member para magamit mo ang mga gamit sa gym. Ang monthly membership fees ay nasa halagang US$120 (JP¥15,400) hanggang US$214 (JP¥27,500).

Tignan ang kumpletong membership plans dito.

Ang One Piece ay isang kilala na anime serye sa mundo na likha ni Eiichiro Oda at in-animate ng Toei Animation. Dalawang dekada na ito nasa ere, at may mahigit 1,000 episodes na rin ito.

Sinusundan nito si Luffy at ang kaniyang mga abentura kasama ang mga kaibigan niya, ang Straw Hat Pirates, sa kanilang paghanap ng legendary treasure na ang tawag ay One Piece.

Sundan ang ONE Esports Philippines para sa karagdagang anime news.

BASAHIN: One Piece live action ng Netflix: 3 Easter eggs na ikagugulat mo