Lumabas na ang unang episode ng Heroes of the Game noong ikalawang ng Oktubre. Nakita sa unang parte ng nasabing dokyumentaryo ang mga pangyayari behind the scenes sa Singapore Major, ang turneo na pinagbidahan ng 18 sa pinakamalalakas na Dota 2 teams sa buong mundo sa kabila ng banta ng global pandemic dahil sa COVID-19.

Napatunayan ng Heroes of the Game na hindi lang basta laro ang bumubuo sa esports. Kung hindi mo pa napapanood ang unang episode, narito ang link:

Tampok sa Heroes of the Game kung paano sinigurado ng PGL at ONE Esportsang kaligtasan ng lahat

Tampok sa unang episode ang mga pagsubok na pinagdaanan ng mga tournament organizers na PGL at ONE Esports para idaos ang Singapore Major. Dahil kailangang magpatupad ng dagdag safety protocols para maprotektahan ang lahat ng mga bumubuo dito, isang pagkakamali lang ay maaari nang makansela ang naturang turneo.

Sa kabilang banda, bakas din ang paghihirap ng mga koponan sa kani-kanilang problema. Lahat ng mga Filipino player na kalahok sa Major ay sinalubong ng last-minute travel restrictions na nagbawal sa kanilang makabalik sa bansa matapos ang bakbakan.

Hindi lang ang kalagayan ng mga player ang naging concern ng mga team manager, kinailangan din nilang makipag-ugnayan sa mga kinauukulan para muling maka-uwi.

OB.Neon nagkumahog para makahanap ng pamalit kay Rappy dahil sa contact tracing case

Hindi natapos ang pagsubok ng OB.Neon sa naunang balakid. Matapos ang kasi ng unang araw ng group stage, ang kanilang stand-in na si Rafael “Rappy” Sicat Palo ay kinailangang i-isolate dahil sa isang kaso ng contact tracing mula sa kanyang flight papunta sa Major.

Dahil kulang ng isang player, 12 oras bago muling sumabak sa bakbakan, sino nga ba ang manlalarong sasalba sa pangarap ng OB.Neon?

Alamin sa ikalawang episode ng Heroes of the Game hatid ng foodpanda. Maaaring mapanood ito sa opisyal na YouTube channel, Twitch channel, at Facebook page ng ONE Esports.