Mula sa Pokémon Sword and Shield hanggang sa Pokémon Unite, marami nang laro sa mga nagdaang taon ang nagbigay sa atin ng iba’t-ibang paraan kung papaano makipag-interact sa mga paborito nating pocket monsters. Subalit isang partikular na fan ang tila hindi pa kuntento.

Isang indie game developer na kilala sa kanyang Twitter handle na Dragon ang gumawa ng isang Pokémon FPS (first-person shooter) game at napaka-disturbing nito kung iisipin. Ituring mo nang sira ang iyong pagkabata dahil dito.

Gaya ng karamihan sa Nintendo games, ang mga Pokémon titles ay family-friendly at pasok sa lahat ng edad. Ngunit malaki ang kaibahan ng mga ito sa larong ginawa ni Dragon na binuo sa Unreal Engine at sa katunayan ay may blood spatter effects pa nga kapag nakakatama ka.


Hahayaan ka ng Pokémon FPS game na ‘to na mag-hunt at mamaril ng pocket monsters tulad ni Pikachu

Pokémon FPS game
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Sa isang maiksing gameplay clip na ibinahagi ni Dragon sa Reddit, makikita ang player na nilalakbay ang iba’t-ibang lugar dala-dala ang mga armas tulad ng pistol, shotgun, automatic rifle at isa pang mukhang marksman rifle.

Magkakaibang Pokémon ang lumabas sa clip tulad na lang nila Zapdos, Mewtwo at Articuno. Pero ang isang sandali na hindi mo talaga makakalimutan ay ang mapanood na bumagsak si Pikachu matapos makatamo ng shotgun sa mukha. Isang kaibigan si Pikachu, hindi siya pagkain!

Sinabi ni Dragon na ang ginawa niyang Pokémon FPS ay hango sa mga larong tulad ng Overwatch, Call of Duty at Halo, at sa katunayan ay mayroon pa ngang aim-down sights mechanic dito kapag babaril.

May mapupuntahan kang tatlong area na tinatampok ang iba’t-ibang Pokémon. Mas lumalakas sila habang umuusad ka sa laro at ang bawat area ay may legendary boss battle sa dulo. Sa naturang clip, makikita mo ang iba’t-ibang arena mula sa grassland hanggang sa snowy landscape at mayroon pang laban na parang nangyayari sa outer space.

Naikwento rin ni Dragon ang tungkol sa pag-programa ng iba’t-ibang behavior sa mga Pokémon. Pero imbes na gumawa siya ng unique behavior sa bawat 150 creature, grinupo niya lang ang mga ito sa pitong kategorya:

  • Static
  • Critter
  • Flyer
  • Projectile
  • Chaser
  • Charger
  • Boss

Nintendo nagsimula nang mag-take down ng videos

Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Sa kabila nito, malabong mo malalaro ang Pokémon FPS game na ito. Sa ngayon, pinagte-take down na ng Nintendo ang clips ng video sa online platforms kahit pa nilinaw ni Dragon na wala siyang intensyon na ibenta ang laro.

Halos lahat ng video ay na-take down na kabilang na ang dev log ni Dragon sa YouTube at clips sa Twitter. Pero siguradong makikita mo pa rin ang Pokémon FPS gameplay clip sa Reddit at mukhang hindi pa ito mawawala muna sa ngayon.

Hindi na rin nakakagulat ang aksyon na ito ng Nintendo na mababa ang tolerance sa kahit sinong mag-infringe sa copyright nito kahit pa ‘yung mga fan-made project na ginawa lang naman bilang katuwaan.


Pagsasalin ito ng artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.