Matapos ang matagumpay na release ng My Hero One’s Justice at My Hero Academia Ultra Impact, may bagong game title ang nag-aabang para sa fans na sikat na anime.

Ang My Hero Academia Ultra Rumble ay naka-schedule sa beta test para sa PlayStation 4. Tampok sa fast-paced na laro ang paggamit ng quirks ng bawat karakter.

Ano ang My Hero Academia Ultra Rumble?

Ang My Hero Academia Ultra Rumble ay isang free-to-play online battle royale kung saan tampok ang 24 manlalaro sa bawat match.

Maglalaban-laban ang walong squad na binubuo ng tatlong miyembro. Ayon sa opisyal na Japanese website, may mga available na card sa arena na maaaring gamitin para mapalakas ang quirk ng hero.

Gaya ng pangkaraniwang battle royale game, importante ang team work at ang squad na matitira ang hihiranging panalo.

Magsasagawa ang game publisher na Bandai Namco ng open beta test simula ikalawa hanggang ika-anim ng Pebrero sa PlayStation 4. 10,000 manlalaro mula sa Japan ang inaasahang makikilahok.

Listahan ng characters na pwedeng laruin sa My Hero Academia Ultra Rumble

Anime na My Hero Academia magkakaroon ng battle royale game
Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports
CHARACTERPANGALAN BILANG HERO O VILLAINQUIRK
Izuku MidoriyaDekuOne for All: Nagbibigay ng super strength at power.
Katsuki Bakugo (Kacchan)BakugoExplosion: Gumagawa ng malakas na pagsabog mula sa kanyang palad. Pwede niya rin gamitin ang explosion para sa kanyang mobility.
Ochaco UrarakaUravityZero Gravity: Kakayahang manipulahin ang gravity ng mga solid targets (buhay man o hindi) sa pamamagitan ng paghawak.
Shoto TodorokiShotoHalf-Cold Half-Hot: Naglilikha ng yelo ang kanang bahagi ng kanyang katawa at apoy naman sa kaliwang bahagi.
Tsuyu AsuiFroppyFrog: Ang kanyang katawan ay may katangian katulad ng sa palaka. Kaya niyang gawin ano man ang kayang gawin ng palaka.
Toshinori YagiAll MightOne for All: Nagbibigay ng super strength at power.
Ken IshiyamaCementossCement: Kakayahang manipulahin ang mga materyal na gawa sa simento sa pamamagitan ng paghawak.
Yu TakeyamaMt. LadyGigantification: Kakayahang maging higante.
Tenko ShimuraTomura ShigarakiDecay: Kakayahang lusawin ano man ang kanyang hawakan.
DabiDabiCremation: Kakayahang gumawa ng malakas na apoy mula sa kanyang katawan.
Himiko TogaHimiko TogaTransform: Kakayahang gayahin ang pisikal na anyo sa pamamagitan ng pag-inom ng dugo.
Atsuhiro SakoMr. CompressCompress: Kakayahang i-compress ang ano mang bagay (buhay man o hindi), sa isang maliit na bola.

Sa kasalukuyan, ang 12 karakter pa lang na ‘to ang maaaring gamitin sa beta test. Inaasahang madadagdagan pa ang listahan sa release ng laro.

Release date ng My Hero Academia Ultra Rumble

Bukod sa kumpirmadong petsa ng beta test, iniintay pa mula sa Bandai Namco Entertainment ang release date ng laro. Wala pa ring balita kung magiging available ito sa English na lenggwahe.

Mga gaming platform kung saan pwedeng laruin ang My Hero Academia Ultra Rumble

  • PlayStation 4
  • Xbox One
  • Nintendo Switch
  • Steam

Naglabas kamakailan ang Bandai Namco Entertainment ng trailer kung saan tampok ang gameplay ng laro. Mukang nakabase ang mapa sa Unforeseen Simulation Joint (USJ, kung saan tinuturuan ang mga hero mula U.A. High School ng disaster rescue training.

Ang mga orihinal na Japanese voice actors ng anime din ang magboboses sa kani-kanilang characters sa My Hero Academia Ultra Rumble.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lang ang Japanese website ng My Hero Academia Ultra Rumble.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

Baiken darating na sa Guilty Gear Strive sa January 28