Hindi ito biro. Dumating na si Naruto sa Fortnite kasama ang maalamat na Team 7!
Matapos ang mga malulupit na crossovers kasama ang zombie slayers at League of Legends champion, matindi ang hatid ng Epic Games sa mga fans ng Fortnite matapos ipasok ang pinakapaboritong ninja ng lahat sampu ng kaniyang grupo sa laro.
Maaari ng maglaro bilang sina Sasuke, Sakura, Kakashi at Naruto sa Fornite!
Opisyal ng papasok si Naruto at ang Team 7 sa mundo ng Fortnite suot ang kanilang mga Shippuden outfits.
Suot ni Naruto ang kaniyang black at orange ninja attire habang si Kakashi naman ay dala ang kaniyang standard Jonin uniform na kinumpleto pa ng signature niyang nakakiling na headband.
Ngunit hindi lamang tipikal na Shippuden outfits ang mayroon para sa kanila sa laro. Mas kumpleto ang get up ni Naruto sa Fortnite sa kaniyang Hokage Variant, at si Kakashi naman bilang musmos na ANBU operative.
Para naman sa magkatambal na karakter, suot pa rin ni Sakura ang kaniyang pulang sleeveless top at black accessories habang si Sasuke naman ay dala ang kaniyang gray shirt na may collar at purple na rope belt.
Kung may hokage at ANBU variants ang dalawang naunang miyembro ng Team 7, sina Sasuke at Sakura naman ay mayroon ding mga variants na maaaring piliin in-game.
Niyakap ni Sakura ang kapangyarihan ng mga Uchiha sa kaniyang Uchiha variant at si Sasuke naman ay may Rinnegan variant kung saan naaplitan ang kaniyang Sharingan ng malakas na dojutsu.
Bukod dito, may mga add-ons din na maaaring bilhin para mas maramdaman ng manlalaro ang S-rank ninja feels. Maaaring mabili ang Shinobi Gear bundle sa halagang 1,500 V-Bucks, kung saan nakapaloob ang isang set ng mga kunai, isang ANBU sword at ang signature scythe ni Hidan.
Kung gusto mong umistyle habang bumababa ng isla, maaaring makakuha ng fully-animated Kurama glider sa halagang 1,200 V-Bucks.
Maaaring makuha ang Fortnite x Naruto collaboration bilang paired bundles. Magagamit mo na si Kakashi at Naruto sa Fortnite sa halagang 2,100 V-Bucks, habang si Sasuke at Sakura naman ay puwedeng mabili sa halagang 2,200 V-Bucks.
Kung nais lamang kumuha ng isang karakter, maaari namang bilhin ito sa in-game store ng 1,500 V-Bucks, liban kay Sasuke na mas mahal sa halagang 1,600 V-Bucks.
Excited ka nabang malaro si Naruto sa Fortnite? Puwes, huwag mo ng palampasin ito!
Hango ito sa sulat ni Joseph Asuncion ng ONE Esports.