Bentang-benta sa ating mga Pinoy ang Filipino Valorant agent na si Neon dahil sa malulupit nyang abilities, astig na design, at ang kanyang Filipino (Tagalog) at English voice lines.

Ipinahayag ng Neon voice actress na si Vanille Vasquez na maiging pinag-isipan nila ng mga Riot Games developers ang paglikha sa pinakabagong agent ng game, lalo pagdating sa scripted at improvised voice lines niya.

Kaya’t gumawa kami ng listahan ng mga Filipino voice lines ng Pinoy agent. Ang mga voice lines na ito ay ni-record at shinare ng Valorant lore expert na si Cynprel. Hindi pa kasama dito ang interaction ni Neon sa iba pang mga agents.

Mga Filipino (Tagalog) voice lines ni Neon

Credit: Riot Games

“Halika na, we can do this!”

“Tabla tayo, I’d rather win.”        

“Tara na, clock’s ticking!”          

“Ingat ka, don’t get stabbed. Bad way to go.”    

“Hoy! Fight’s not over, you know?”        

“Hay, let’s go!” 

“Salamat! Thanks!”        

“Hoy, grab the spike!”   

“Lintik kayo!”

“Tara, break’s over!”      

“Psst, move!”

Opisyal nang kasali si Neon sa Valorant roster sa pagdating ng Episode 4: Disruption kasabay ng Episode 4 Act I Battle Pass.

Para sa iba pang balitang gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.