Pagdating sa shoot ‘em up o twin-stick shooter games, maaring may mga inaasahan ka na, tulad ng fast-paced action, mga hindi nauubos na kalaban, at matinding bullet dodging.

Ang mga ito ang mga palatandaan ng genre, at para sa karamihang gamers, nagbibigay ito ng isang masayang karanasan.

Ngunit mayroong laro na tumiwalag sa ganitong istilo – ang NeverAwake.

Nilista namin ang lahat ng mga rason kung bakit nangingibabaw ang NeverAwake gameplay at bakit mo dapat ito laruin para sa susunod mong gaming adventure.

Dinevelop ng Neotro Inc. at pinublish ng Phoenixx Inc., inilabas ang NeverAwake noong Septyembre 28, 2022. 

Maari itong laruin sa iba’t-ibang platforms tulad ng Steam, PlayStation 4 at 5, Nintendo Switch, at Xbox Series X.

Bakit worth it ang NeverAwake gameplay 

Isang nightmarish twist

Gaming NeverAwake
Credit: Neotro Inc.

Isa sa mga mapapansing aspeto ay ang naratibo at thematic approach nito. Sa halip na mga alien spaceships o robotic armies ng karamihan, dito ay mapapadpad ka sa bangungot ng isang batang babaeng si Rem. 

Ang mga kalaban na haharapin mo dito ay hindi lang extraterrestrial invaders kundi manifestation ng mga araw-araw na takot ni Rem. Gulay, kaibigan sa school, dentista – mga bagay na ayaw niya sa kaniyang dream world. 

Isa itong genre na puro sci-fi at fantasy setting. Sinusubukan nito ang mga players na komprontahin at talunin ang kanilang mga kinakatakutan.

Hindi ito isang mindless shooter 

Gaming NeverAwake
Credit: Neotro Inc.

Sa NeverAwake, ang iyong daan patungo sa panalo ay hindi nakasalalay sa iyong reflexes at rapid firing. Habang nanatili ang mga core elements ng isang twin-stick shooter, pinakilala naman nito ang isang hindi inaasahang layer ng stratehiya.

Hindi ka lang basta-basta nagpapatumba ng kalaban. Kailangan mong piliin special attacks at accessories na swak sa bawat stage.

Bibigyan ka ng laro ng soul points sa pagtatapos ng bawat stage, na magagamit mo para ma-upgrade ang iyong character. Ang mga napili mong upgrade ay may impact sa iyong gameplay experience.

Artistry at atmosphere 

Gaming NeverAwake
Credit: Neotro Inc.

Higit pa ang NeverAwake sa makabagong gameplay mechanics nito – ang larong ito ay isang visual at auditory masterpiece. Nakakakilabot ang aesthetics ng laro, at tila maaalala mo ito kahit na tapos ka na maglaro.

Makakaranas ka ng higit pa sa 80 levels na may kakaibang bawat encounter, para ma-build up ang isang komprontasyon ng nakaraan.

Walang katapusing paglalakbay

Gaming NeverAwake
Credit: Neotro Inc.

Ang nakakaakit na aspeto ng NeverAwake ay ang replay value nito. Sa patuloy na pagbabago ng mga difficulty levels at mga kombinasyon ng upgrades, nangangako ang laro ng walang katapusang pagsubok.

‘Di tulad ng karamihang shoot ‘em up na nagtatapos sa isang iglap, ang NeverAwake ay naghahatid ng isang kakaibang gaming experience. Ang pagkumpleto sa istorya ay simula pa lamang. May mga nakaabang na bonus stage at extra challenge para sa mga nais pang i-enjoy ang laro.

Isang pagbabago pagdating sa pace

Para sa mga gamers na sanay sa hyper-competitive games, naghahatid ang NeverAwake ng kakaibang bilis. Isa itong laro na pwede mong gawin sa sarili mong pace. Imbes na maghabol sa high score at ranking, iniimbitahan ka nito na mag-explore, mag-strategize, at i-enjoy ang paglalakbay. 

Kung naghahanap ka ng laro na inobatibo, isang must-try ang NeverAwake. Isa itong patunay sa pagiging malikhain at ebolusyon ng shoot ’em up genre.

Humahalaga sa US$19.99 sa Steam ang NeverAwake, kung saan may hawak itong 9/10 rating. Maari mo ring bilhin sa digital sa halagang US$24.99 sa Nintendo Switch, PlayStation 4 at 5, at Xbox Series X.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa gaming at esports.

BASAHIN: Maligaw sa NeverAwake, isang bangungot na gugustuhin mong maranasan