Sa magulong mundo ng competitive gaming, kung saan mahirap makuha ang mga panalo at malaki ang epekto ng mga pagkatalo, isang virtual na santuwaryo ang umiiral – ang NeverAwake

Dinevelop ng Neotro Inc., at pinublish ng Phoenixx Inc., dadalhin ka ng twin-stick shooter na ito sa kakaibang mundo kung saan hinahabol ka ng lahat.

Para sa mga competitive gamer, ang masalimuot na mundo ng NeverAwake ay isang magandang paraan para mag-unwind matapos ang matitinding ranked games.

For intense competitive gamers, the chaotic world of NeverAwake is the ideal way to unwind after fierce ranked battles.

Ano ang NeverAwake? 

Gaming NeverAwake
Credit: Neotro Inc.

Sa mundo ng NeverAwake, magiging si Rem ka, ang bida na nakikipaglaban sa mga halimaw ng kaniyang panaginip. Ang mga kakaibang kalaban, na kinabibilangan ng mga gulay, mga dentista, at kahit mga kaibigan sa school, ay nagsisilbing manipestasyon ng kanyang mga kinatatakutan at inaayawan.

Hindi man maeensayo ang iyong mechanics, naghahatid naman ito ng isang mas importante pang aspeto – ang mental reset. 

Sa mahigit 80 levels, nakakalitong mga boss, at isang mahusay na naratibo ang naghihintay para sa mga naghahanap ng pahinga mula sa competitive gaming arena.

Bakit kailangan mo itong subukan bilang competitive gamer? 

Gaming NeverAwake
Credit: Neotro Inc.

Bilang isang single-player twin-stick shooter, isa itong laro na kung saan ikaw ang may kontrol, at walang kailangang isipin na masalimuot na coordination at communication na normal na sa competitive play.

I-restart mo ang mga stage, i-pause ang laro para makapagpahinga, at mag-eksperimento ng iba’t-ibang builds at loadouts nang walang pelgiro na maubusan ng ranking o MMR. Laro mo ito, kaya ikaw ang bida dito.

Tsansa mo na rin ito na mapakinggan ang malupit na soundtrack ng Japanese guitarist na si Fumihito Uekusa.

Kaya kung naghahanap ka ng paraan para makakuha ng mental reset matapos ang isang gabi ng matinding ranked grind, hayaan mo ang bangungot na ito ang maging pahinga mo.

Available ang NeverAwake sa halagang US$19.99 sa Steam, kung saan may hawak itong 9/10 rating. Maari mo ring bilhin ito sa halagang US$24.99 sa Nintendo Switch, PlayStation 4 at 5, at Xbox Series X.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa gaming at esports.

BASAHIN: Bakit ang NeverAwake ang ultimate shoot ‘em up game na dapat mong subukan