Isang anti-cheat error na tinatawag na “System integrity violation error TFAV0012” ay pinipigilan mag-log in ang mga players sa The Finals.

Ang The Finals, na inilabas noong Disyembre 2023, ay isang shooter project ng mga beterano ng ex-Battlefield at Battlefront. Sa loob lamang ng ilang buwan, nakamit ng laro ang isang malaking player count para alugin ang buong FPS community sa kaniyang gameplay at mahusay na visuals.

Ngunit nagpahayag ng inis ang mga players dahil sa mga walang-katapusang bugs at glitch.

Ano ang The Finals system integrity violation error?

Ang sanhi ng error TFAV0012, na tinatawag na system integrity violation error, ay hindi pa nakikita, ngunit maaring ito ay dahil sa isang anti-cheat compatibility issue. 

Kung nakakakita ka ng isang “system integrity violation” error sa The Finals, mukhang dahil ito sa Easy Anti-Cheat na hindi compatible sa iyong Windows o kung ano mang component ng iyong device. 

Ngunit hindi ibig sabihin ay hindi ka na makakalaro. 

Mga solusyon para sa system integrity violation error sa The Finals 

Gaming The Finals
Credit: Embark Studios

I-repair ang anti-cheat service 

  • Pumunta sa installed na lokasyon ng The Finals. 
  • I-click ang Anti-Cheat folder. 
  • I-run ang file na “EasyAntiCheat_Setup.exe” bilang administrator. 
  • I-click ang “Repair Service” o “Repair Easy Anti-Cheat”. 
  • I-restart ang iyong computer. 

I-enable ang Microsoft vulnerable driver blocklist 

  • Pumunta sa iyong BIOS menu at i-on ang secure boot. 
  • Habang nasa loob ka ng BIOS menu, i-enable ang “SVM/VM (Secure Virtual Machine)”. 
  • Matapos i-on ang iyong device, pumunta sa “Windows Security.” 
  • Piliin ang “Device Security” sa side menu. 
  • I-click ang Core Isolation details, at i-enable ang “Memory Integrity” at “Microsoft Vulnerable Driver Blacklist”. 

Importanteng i-on mo ang iyong computer sa isang secure boot, dahil baka hindi maging available na opsyon ang Core Isolation. 

Gaming Amazon PlayStation US100 gift card
Credit: ONE Esports
KUNIN ITO: US$100 PlayStation Store Gift Card

Gumana ang fix na ‘to sa karamihan ng mga players na naglalaro sa Windows 11, ngunit hindi para sa lahat. 

Fix mula sa Regedit  

Kung gumagamit ka ng Windows 8 o 10, maaring ma-resolba nito ang error: 

  • Sa search box, mag-type ng regedit, at piliin ang Registry Editor sa mga resulta. 
  • Pumunta sa HKEY_LOCAL_MACHINE. Maglalabas ito ng mga box sa ilalim. I-click nang i-click ang mga ito sa sumusunod na pagkakasunud-sunod: 
  • SYSTEM>CurrentControlSet>Control>CI>Config. 
  • I-click ang “Config” folder, at buksan ang “VulnerableDriverBlocklistEnable.” 
  • I-set ang Value Data sa 1. 

Gumana ang fix na ito sa halos lahat ng mga players na sumubok na sa iba pang mga methods. 

Kung nananatili pa rin ang error, subukang i-reinstall ang laro o maghintay para sa isang bagong patch update mula sa Embark Studios. 

Ang ibang links ay mga ONE Esports affiliate links. Ibig sabihin ay kapag pinindot mo ang mga ito at bumili ka, may matatanggap kaming kaunting komisyon. Wala itong additional na gastos sa’yo. Paraan ito para mapatakbo namin ang aming site at makapagbigay ng mahalagang content para sa’yo. Salamat sa iyong suporta!   

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga storya tungkol sa paborito mong laro. 

BASAHIN: Paano makuha ang Beegarde sa Palworld – lokasyon at breeding