May kakaibang kumpiyansa (kasama na rin ang yabang) na bigay ang pagkakaroon ng MLBB Epic skin sa paborito nating mga heroes. 

Aminin na natin. Pakiramdam natin ay mas malakas tayo kapag may suot na balat ang ating main heroes, kaya naman may kaakibat na din na pressure magsalang ng maayos na laro sa ating mga ranked games.

Sa labas ng mga ganitong hinuha, ang katotohanan ay napakasarap lang sa pakiramdam na magkaroon ng makita sa laro ang model at skill effect changes dala ng mga ito. 

Heto ang lima sa pinaka-nakamamanghang MLBB epic skins na mabibili sa in-game shop.


Sulit bang bumili ng MLBB epic skins?

Hindi lamang kosmetiko ang epekto ng mga skins na ito sa ating mga paboritong heroes. May maliit na boost din ito sa stats sa early game.

Bukod dito, presko ang pakiramdam kapag may suot na balat ang ating mga heroes, lalo na kung puspusan ang paggamit natin sa mga ito. Sa totoo lang, mas nakakasabik sumalang sa RG kapag may bagong MLBB epic skins ang ating mga heroes. Ako lang ba?


5. Eyes of Eternity Lunox

Credit: Moonton

Una sa listahan ng kamangha-manghang MLBB epic skins ay pagmamay-ari ng isa sa mga pinaka-challenging na mage heroes sa laro na si Lunox.

Swak ang Eyes of Eternity Lunox para sa mga may hilig sa angel/devil look na tampok sa skin na ito. Kapag nagpapalit mula Power of Chaos papuntang Power of Order (o vice versa), ibang-iba ang hitsura ni Lunox mula sa kaniyang orihinal na porma na mapapansing pumapabor lamang sa “good side” ng mage.

Ngunit kung kikilatisin ang hilig ng mga Pinoy MLBB fans, mas pabor tayo sa maangas. Kaya kung nais laruin ang hero sa “evil version” nito, tiyak na pasok sa panlasa ang skin na ito.


4. Celestial Bastion Uranus

Credit: Moonton

Nung unang lumabas sa in-game store ang Celestial Bastion Uranus, maraming fans ang nasabik dahil sa mala-maharlikang hitsura nito. Maraming fans ang nag-akalang parte ito ng Lightborn series dahil sa makinang na gold and white colorway ngunit hiwalay ito sa nasabing serye.

Gayunpaman, mahahalintulad sa serye ang postura at pakiramdam na dala ng isa sa mga pinakabagong MLBB Epic skins sa in-game store. Nagmukhang mas nakakakilabot ang hero dahil sa mas malaki ang dating niya sa battlefield na maaaring makakatulong sa mind games sa positioning battle.


3. S.T.U.N. Selena

Credit: Moonton

Hindi maikakailang ang S.T.U.N. Selena ang pinakamagandang S.T.U.N. skin, at masasabo ring isa sa pinaka-maangas na skin ng mage hero ngayon. Mula sa kaniyang traps hanggang sa Abyssal Arrow, swabe ang pagbabago sa animations dala ng balat.

Gaya ng pagbabagong-anyo niya sa kaniyang Abyssal Form, diamante ang skin na ito sa in-game store. 


2. Rattan Dragon Estes

Credit: Moonton

Kung isa kang fan ng Lord of the Rings series, tiyak na swak sa panlasa mo ang  Rattan Dragon Estes. Isa ito sa MLBB Epic skins na simple ngunit kataka-taka ang kakaibang pakiramdam na ibinibigay nito kapag suot ng support hero. 

Kakaiba ang vibe ng healer kapag nilaro sa battlefield dahil sa makabagong animations at hero model nito. Kaya naman kung gusto niyong mag-practice ng sikat na UBE Strat na pinauso ng Blacklist International.


1. Codename: Rhino Grock

Credit: Moonton

Kung tatanungin niyo kami, dapat isama sa Collector skins at hindi sa MLBB Epic skins ang Codename: Rhino Grock dahil sa kakaibang lebel ng pagkadetalye sa skin na ito. Swabeng-swabe ang character model at skills ng balat, na sulit sa 899 diamonds na presyo.

Makikita sa MPL PH S8 ang mga tank users na ginagamit lagi ang balat na ito sa kanilang Grock, at di natin sila masisisi. Bukod sa malaking pagbabago mula sa orihinal na hitsura ng hero, mas nakakasindak ito sa battlefield lalo na ang skill effects!

Hango ito sa sulat ni Jules Elona ng ONE Esports.