Kung isa kang fan ng aktres sa The Witcher na si Anya Chalotra, tiyak na magiging excited kang malaman na sya ang bibida sa kaniyang kauna-unahang video game, ang Unknown 9 Awakening. 

Ang laro na ‘to ang debut project ng Reflector Entertainment, at ginaganap ito sa isamg mundo ng isang misteryosong dimension na tinatawag na Fold. 

Sa mga sabik pumasok sa realm ng unknown, nilista namin ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa Unknown 9 Awakening, mula sa kaniyang release date at cast at sa mga characters at gameplay mechanics nito. 

Unknown 9 Awakening release date

Ilalabas ang Unknown 9 Awakening sa summer ng 2024. 

Ang eksaktong Unknown 9 Awakening release date ay hindi pa ina-anunsyo. Kailangang abangan nalang ng mga fans ang mga updates mula sa Reflector Entertainment at Bandai Namco para makakuha ng eksaktong Unknown 9 Awakening release date.

Aktres ng Unknown 9 Awakening  

Gaming Unknown 9 Awakening Haroona Anya Chalotra
Credit: Reflector Entertainment, Netflix

Ginaganap ni Anya Chalotra si Haroona, ang bida ng laro.  

Kilala sa kaniyang pagganap ng mga malalakas na female characters, naging “obvious choice” si Anya para sa role, ayon sa press release. 

Si Anya Chalotra ay isang British na aktres na sumikat dahil sa kaniyang mga performance sa telebisyon at theater. 

Isa sa kaniyang pinaka-notableng roles ay dumating sa live action adaptation ng Netflix sa video game franchise na The Witcher, kung saan gumanap siya sa makapangyarihan na mangkukulam na si Yennefer ng Vengerberg. 



Bago ang kaniyang breakthrough role sa The Witcher, nagpakitang-gilas siya sa kaniyang talento sa entablado, at lumabas sa iba’t-ibang theater productions. Napuri siya para sa kaniyang performance bilang si Jyoti sa “The Village,” isang play ni April De Angelis na itinanghal sa Theatre Royal Stratford East. 

Unknown 9 Awakening platforms 

Unknown 9: Awakening ay available laruin sa PlayStation 4, PlayStation 5, Xbox Series X|S, Xbox One, at PC via Steam

Unknown 9 Awakening gameplay 

Ang Unknown 9 Awakening ay isang single-player, third-person, narrative-driven, action-adventure game na sinusundan ang kwento ni Haroona – isang Quaester na pinanganak na may abilidad makapasok sa Fold, isang misteryosong dimensyon. 

Gaming Unknown 9 Awakening gameplay
Credit: Reflector Entertainment

Sa kaniyang paghahanap ng isang makapangyarihang kaalaman, matututo siyang i-master ang kaniyang kakaibang koneksyon sa Fold, at maaring magamit ang kaniyang powers sa mundo niya. 

Ngunit mapapansin ito, dahil magiging target si Haroona ng Ascendants, isang splinter faction ng isang sikretong organisasyon na kilala bilang Leap Year Society, na nais gamitin ang Fold para baguhin ang human history. 

Maaring piliin ng mga players kung magtatago sila sa mga anino o lumaban. 

Unknown 9 Awakening announcement trailer



I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa mga bagong laro.

BASAHIN: Dragon’s Dogma 2 pre order: Paano makakuha ng kopya sa Amazon