Biglang sumikat na ang Genshin Impact cosplay, na ikinatuwa ng mga gaming at anime enthusiasts para maging isang haligi ng fandom.  

Likha ng HoYoverse, ipinagmamayabang ng laro ang kanilang designed world at mga iba’t-ibang klase ng characters. Kaya naman lumago ang cosplay community nito at enjoy na enjoy ang mga dedikadong fans sa pag-kopya ng mga looks ng mga characters ng laro.  

Para sa mga gustong gayahin ang kanilang mga paboritong Genshin Impact characters, naghatid ang Amazon ng mga available na costume sets, kumpleto na sa wig at accessories.  



Best Genshin Impact cosplay character costumes, outfit, accessories, at iba pa 

Hu Tao Genshin Impact cosplay costume 

Genshin Impact cosplay Hu Tao
Credit: ATEOVE, HoYoverse

Si Hu Tao ang isa sa pinakamadaling characters na I-cosplay sa Genshin Impact sa kaniyang shorts at long-sleeved na suot.  

Bilang 77th Director ng Wangsheng Funeral Parlor ng Liyue, isang rehiyon sa laro, isang 5-star Pyro character si Hu Tao na may polearm.  

Isang paghahalo ng kasiyahan at kakulitan ang kaniyang characters, ngunit mayroon din siyang mysterious aura. Bilang Director ng Wangsheng Funeral Parlor, nasa kaniya ang responsibilidad ng funeral rites at pag-uusap sa mga spirits.


Zhongli Genshin Impact cosplay costume 

Genshin Impact cosplay Zhongli
Credit: Cosplay Life Store, HoYoverse

Sinong hindi gusto magmukhang Zhongli? Elegante ang kaniyang suot at garantisadong pag cinosplay mo ang Geo Archon na ito, mamamangha ang mga Genshin Impact fans.  

Suot niya ang isang mahabang itim at brown na damit na may gold at bronze embroidery na tila’y hindi kumukupas.  

Si Zhongli ay isang 5-star Geo character at isang consultant para sa Wangsheng Funeral Parlor sa Liyue. Kilala siya bilang “Vago Mundo.” Bilang Geo user, may abilidad siyang I-manipula ang lupa at bato para magdulot ng damage at protektahan ang mga kakampi niya.


Klee Genshin Impact cosplay costume 

Genshin Impact cosplay Klee
Credit: BIUTEY Store, HoYoverse

Kung may anak ka, batang pamangkin, kapatid, o pinsan, tiyak na magugustuhan nila ang Genshin Impact cosplay outfit ni Klee.  

Si Klee, isang 5-star Pyro character ay ubod ng kabataan at hilig niyang gumawa ng mga bomba. Isang malakas na pyrotechnician, hilig niya ang mga sumasabog na experimento, ngunit ang kaniyang lubos na kagustuhan para sa adventure ay nakakadulot ng kaguluhan. 

Ang pag-cosplay bilang si Klee ay maghahatid ng pagkakataon para sa mga batang fans na magaya ang kaniyang malikot na spirit. Kuhang-kuha ng costume ang kaniyang kakaibang spirit, isang karanasan na makakatulong sa imahinasyon nila para sa Genshin Impact.


Raiden Shogun Genshin Impact cosplay costume 

Genshin Impact cosplay Raiden Shogun
Credit: MIAOCOS. HoYoverse

Hindi maitatangging nangingibabaw si Raiden Shogun bilang isa sa mga characters na may pinakamagarbong outfit at aesthetics ng laro.  

May suot si Raiden Shogun na kimono-style na robe na kulay purple at puti na may mga simbolo na bagay sa kaniyang posisyon bilang tagapamuno ng rehiyon ng Inazuma. Kulay purple at lavender ang kaniyang buhok.  

Siya ang tagapamuno ng rehiyon ng Inazuma at may hawak siyang titulo bilang Almighty Narukami Ogosho, o Electro Archon. Bilang isang Electro user, may kapangyarihan siya sa kidlat at eletric energy sa labanan.


Venti Genshin Impact cosplay costume 

Genshin Impact cosplay Venti
Credit: GENYUU, HoYoverse

Magugustuhan ng mga fans ang detalyeng suot ni Venti.  

Kilala bilang Archon ng Mondstadt, may kapangyarihan si Venti sa hangin.  

Hilig ni Venti na siyasatin ang mundo, obserbahin ang humanity, at tugtugin ang kaniyang lyre para maghatid ng saya kung nasaan man siya. Ngunit sa halip ng kaniyang carefree na ugali, isa siyang matalino at ancient na nilalang na may pagkakaintindi sa kasaysayan at sekreto ng mundo.


Sangonomiya Kokomi Genshin Impact cosplay costume 

Genshin Impact cosplay Kokomi Sangonomiya
Credit: Cosplay Life Store, HoYoverse

Tiyak na mapapatingin ang mga tao sa outfit ni Kokomi na may purple na kulay na bagay na bagay sa kaniyang baby pink wig.  

Isang 5-star Hydro character si Kokomi at Divine Priestess ng Watatsumi Island. Bilang Divine Priestess, malaki ang kaniyang role sa relihiyon at politikal na kaganapan sa isla niya.


Mona Genshin Impact cosplay costume 

Genshin Impact cosplay Mona
Credit: MZXDY, HoYoverse


Kung ang hanap mo ang nakakaakit na Genshin Impact oufit, magugustuhan mo ang wardrobe ni Mona sa kaniyang sheer stocking at body suit.  

Suot niya ang isang body suit na yakap sa kaniyang katawan na kulay purple. May mga pettern at golden accents ang kaniyang body suit. Sleeveless ang kaniyang suit, habang may regal disenyo ang kaniyang high collar na napaka-sopistikado.  

Si Mona Megistus, kilala bilang Mona, ay isang 5-star Hydro user at astrologist sa laro. Galing siya sa Mondstat at nagta-trabaho bilang isang astrologer.  

Kilala si Mona bilang isang misteryosong tao. Lagi siyang gumagamit ng astrology at divination para mahulaan ang kinabukasan at nagbibigay ng mga kaalaman niya sa mga sitwasyon. Ngunit sa halip ng kaniyang seryosong ugali, minsan siya ay mapaglaro at may hilig sa pagkain na may magarbong lasa.


Ganyu Genshin Impact cosplay costume 

Genshin Impact cosplay Ganyu
Credit: Cosplay Life Store, HoYoverse

Nananatili si Ganyu bilang isang sikat na character sa Genshin Impact, dahil sa kaniyang combat abilities. Kaya hindi nakapagtataka na maraming fans ang gustong I-cosplay ang character niya.  

Isang 5-star Cryo user si Ganyu sa rehiyon ng Liyue. Siya ay half-human, half-adepti, mga malakas at ancient na mga nilalang na nagbabantay sa Liyue.  

Siya ang secretary para sa Yuehai Pavilion. May kalmado siyang ugali na bagay sa kaniyang posisyon. Bilang Cryo user, kaya niyang I-manipula ang ice para magdulot ng damage sa mga kalaban niya at magbigay suporta sa kaniyang mga kakampi.


Keqing Genshin Impact cosplay costume 

Genshin Impact cosplay Keqing
Credit: GENYUU, HoYoverse

Ang cute outfit ni Keqing ay isang fan favorite sa community ng cosplayers.

Si Keqing ay isang 5-star Electro user ng rehiyon ng Liyue. Siya ang may hawak sa titulo ng Yuheng (Transcendent) ng Liyue Qixing, isang council ng adepti at mga makapangyarihang nilalang na namamahala sa Liyue.

Isang mahusay na swordswoman si Keqing. Kilala sa kaniyang pragmatism, nais niya na maging masaya ang mga tao ng Liyue. Bilang Electro user, kaya niyang I-kontrol ang eletricity para magdulot ng damage sa mga kalaban at mag-perform ng mabilisan na atake sa labanan.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang news tungkol sa Genshin Impact.

BASAHIN: Seal on the Stone Pillar: Paano ma-unlock ang Ruin Machine sa Sumeru