Milyon-milyong players na ang nabighani sa kwento at characters ng role-playing game ng HoYoverse na Genshin Impact.

Ang iba ay nag-imbento pa ng kanilang sariling ships, tulad nina Ningguang at Zhongli ng Liyue at Jean at Diluc ng Mondstadt. 

Genshin Impact Zhongli
Credit: HoYoverse

Dalawang cosplayers sa Pinas ang nagbigay buhay sa isa sa mga non-canon ships na ito. Best part? Mag-nobya sila sa totoong buhay! 

Binigyan ng buhay ng mga cosplays nina Roxanne Kho at Zackt ang mga Genshin Impact ships 

Pinakita nina Roxanne Kho at Zackt ang kanilang pagmamahal para sa Genshin Impact sa anyo ng kanilang mga couple cosplays.

Ang kanilang Jean at Diluc cosplay na pinost nila noong Valentine’s Day ay nagpa-kilig sa mga fans, kung saan makikita ang Acting Grand Master of the Knights of Favonius at ang may-ari ng Dawn Winery sa Angel’s Share Tavern. 

Genshin Impact Funko Pops Aether Lumine Paimon
Credit: Funko, HoYoverse
KUNIN ITO: Funko Pop! Genshin Impact Set of 3 – Aether, Lumine and Paimon
Genshin Impact Jean Diluc cosplay Roxanne Kho Zackt
Credit: Xander Aboc Photography


Nag-cosplay sina Roxanne Kho at Zackt ng mga Geo element users na sina Ningguang at Zhongli sa Jade Chamber. 

Mag-nobya na sina Roxanne Kho at Zackt sa loob ng limang taon ngayon, kung saan sila ay nagco-cosplay ng mga iiba’t-ibang characters.  

Genshin Impact cosplay Noelle Diluc Roxanne Kho Zackt
Credit: Xander Aboc Photography

“We find ourselves having opinions about the plot and characters of the story, brainstorming theories about a series, or just fangirling about the character design or the lore,” ibinahagi ni Roxanne Kho sa isang eksklusibong panayam sa ONE Esports. 

Tignan pa ang mga ibang nakakabighaning cosplays nina Roxanne Kho at Zackt dito: 

Sundan si Roxanne Kho at Zackt sa kanilang mga Facebook page para sa iba pang mga character couple cosplays. 

Ang ibang links ay mga ONE Esports affiliate links. Ibig sabihin ay kapag pinindot mo ang mga ito at bumili ka, may matatanggap kaming kaunting komisyon. Wala itong additional na gastos sa’yo. Paraan ito para mapatakbo namin ang aming site at makapagbigay ng mahalagang content para sa’yo. Salamat sa iyong suporta!   

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga storya tungkol sa Genshin Impact. 

BASAHIN: Pinakamagandang Genshin Impact cosplay costumes na mabibili mo sa Amazon