Nakatanggap na rin ng lambing ang bida ng Genshin Impact bilang isang Dendro character sa version 3.0. 

Tinaob ng Dendro resonance ng Traveler ang ibang mga version nito. Ang burst ng Dendro variant na ‘to, ang Surgent Manifestation, ay naghahatid ng best setups para sa bagong Bloom at Catalyze reaction ng Genshin. 

Paano baguhin ang elemental resonance ng Traveler 

Para baguhin ang resonance nina Aether at Lumine, kailangan mong mag-interact sa Statue of the Seven at piliin ang “Resonante with” na option. 

Available lamang ang option na ‘to kung ang bidaa ang makikipag-interact sa statue. 

Kapag tapos na, ang mga partikular na parte ng suot ng character ay liliwanag sa kulay ng napiling element. 



Alalahanin na magiiba ang resonance depende sa iyong rehiyon, kaya naman kung nais mo ang Dendro para sa iyong Traveler, dapat makikipag-interact ka sa Statues of the Seven sa Sumeru. 

REGION RESONANCE COLOR 
Mondstadt Anemo Turquoise 
Liyue Geo Gold 
Inazuma Electro Purple 
Sumeru Dendro Green 
Fontaine Hydro Blue 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Genshin Impact. 

BASAHIN: Pinakamagandang Genshin Impact cosplay costumes na mabibili mo sa Amazon