Si Kim “Clid” Tae-min, isang professional na League of Legends player sa League of Legends Champions Korea (LCK) at isang substitute player para sa Hanwha Life Esports, ay na-suspend sa lahat ng opisyal na LoL Esports league.

Kasama rito ang mga lokal at international tournament tulad ng LCK Spring at Summer season, pati na rin ang LCK Challengers League (LCKCL), ang lower division ng LCK.  

Nasuspinde siya dahil sa paglabag sa LCK rules, katulad ng sexual misconduct.



Na-ban si LoL Clid sa paglalaro sa LoL Esports games nang isang taon

Matapos ang isang komprehensibang imbestigasyon ng LCK committee, na nag-review ng mga online posts at player statements, nakitaan si Clid na gumawa ng sexually inappropriate actions, ayon sa report ng Korean media outlet na Daily Esports.

Noong Hunyo, isang babae ang nag-post sa X (o dating Twitter), na inakusahan ang 24-year-old LoL player na nag-sexually harass sa kaniya.

Nagbigay siya ng screenshots ng kanilang usapan sa isang messaging platform bilang ebidensya. Dagdag pa riyan, isa pang biktima ang nagreklamo, na sinabing alam ni Clid na siya ay menor de edad noong siya ay na-sexually harass.

Hindi naglabas si Clid o ang kaniyang team na Hanwha Life Esports ng opisyal na pahayag ukol sa suspensyon.

LoL Clid
Credit: Riot Games

Dahil sa kaniyang one-year ban, hindi siya pwedeng lumahok sa regular season at nawalan din siya ng oportunidad sumali sa ibang rehiyon at international events tulad ng Mid-Season Invitational (MSI) at World Championship (Worlds).

Sinimulan ni Clid ang kaniyang professional League of Legends career sa Chinese region bilang isang jungler para sa Newbee Young noong 2016. Matapos lumipat sa LCK noong 2018, naglaro siya para sa mga malalaking koponan tulad ng T1 at Gen.G.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa LoL.  

BASAHIN: Briar abilities ipinaliwanag: Ang bagong vampire champion ng League of Legends