Nananatiling 100 percent ang ban rate ni Valentina matapos ang unang dalawang linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID) Season 9.

Isa si Valentina sa mga bagong hero sa MLBB na maaari nang gamitin sa professional scene. Kakaiba ang lakas ng hero dahil bukod sa burst damage na ibinibigay ng Shadow Strike, meron din siyang dual dash sa Arcane Shade na pwedeng gamitin para ipang-bait, ipanghabol, o ipangtakas. Syempre, nariyan din ang kanyang ultimate na I Am You na nanggagaya ng kalaban.


Bakit 100 percent ang ban rate ni Valentina sa MPL ID Season 9

Ilang dahilan kung bakit 100 percent ang ban rate ni Valentina sa MPL ID Season 9
Credit: MPL ID

Kahit pa na-nerf na kamakailan ang bagong Mage hero, hindi pa rin ito lumalabas kahit isang beses sa naturang turneo. Hindi dahil hindi ito pasok sa kasalukuyang meta, kung hindi dahil parati ito naba-ban.

Patunay ang 100 percent ban rate ni Valentina sa paniniwala ng lahat ng MPL ID teams sa taglay nitong kakayahan.

Bakit nga ba 100 percent ang ban rate ni Valentina sa MPL ID S9? Simple lang: isa siyang versatile hero na masyadong makapangyarihan.

Bukod sa mga nabanggit na skills at nagagawa nito, meron ding regen effect si Valentina salamat sa kanyang passive na Primal Force. Dahil dito, mas mahirap siyang hulihin lalo na sa team fight.

Ilang dahilan kung bakit 100 percent ang ban rate ni Valentina sa MPL ID Season 9
Credit: Moonton

Dahil sa kit nito ni Valentina, hindi malabong kaya nitong punan ang lahat ng role—mula midlaner, roamer, EXP laner, gold laner, maging jungler. Kaya’t imbis na mag-isip ng pang-counter sa hero na ‘to, mas mainam na maglaan na lang ng isang ban slot para dito.

Sa madaling salita, kinakatawan nito ang pagiging best meta counter hero sa MLBB ngayon kaya’t 100 percent ang ban rate ni Valentina sa MPL ID S9 ngayon.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL ID, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Coach BON CHAN matapos ang unang panalo ng Blacklist sa S9: ‘Malapit na tayo doon sa hinahanap nating form, konting tiyaga pa’